Chapter Eighteen

398 47 4
                                    


"We're having camping this saturday and sunday. Sana makapunta kayong lahat." Nakangiting balita ni Kiera, ang kanilang guro sa math. "Here's the permit, pass it to others." Anito at binigyan ng papel ang mga nasa unahan.

Inabot naman ni Talya ang papel, kumuha ng isa at ipinasa din sa likod. Pinakatitigan niya ang Parents Signature doon. Sino nga ba ang mga magulang niya? Nasaan sila? Bakit hindi niya ito kasama?

Napahinga siya ng malalim. Gusto niya ring makilala ang kaniyang mga magulang kahit papaano. Gusto niyang malaman ang dahilan kung bakit nahiwalay siya sa mga ito.

Mabilis siyang umiling. Hindi na dapat niya ito iniisip. Ang dapat niyang isipin ngayon ay kung papayagan ba siya nila Primo at Phemie. Tama!

"By the way, makakasama niyo pala ang fourth years. Ang fourth year section A ang makakasama niyo dahil iyon ang naka-assign. Thank you and goodluck!" Huling bilin ni Kiera bago ito umalis at mawala sa kanilang paningin.

Nagtilian naman ang mga kaklase niyang babae sa tuwa. Sino ba namang hindi matutuwa? Ang section A lang naman ang section ng captain ng basketball team at captain ng soccer team. Si Oddy at Teo.

Kaya ngayon, sigurado na siyang makakasama din siya dahil kasama si Oddy. Ngunit agad siyang napasimangot nang maalalang makakasama niya nga rin pala si Cherry. Naiisip niya palang ay naiirita na siya.

"Oy bobita!" Tawag sa kaniya ni Cass gamit ang matinis na boses. "Sasama ka, diba?! Hindi pwedeng hindi dahil sasapatusin kitang gaga ka!" Pagbabanta pa nito habang nakakagat-labi.

Napatitig naman siya kay Cass. "Alam mo, sayang ka." Bigla na lamang niyang nasambit iyon.

"Ano?!"

"Gwapo ka kasi, Cass, kaso bakla ka. Sayang talaga ang lahi mo." Pailing-iling na aniya.

Mabilis na lumayo sa kaniya si Cass habang tinatakpan nito ang hinaharap. "Oh no! Don't telling me this, natotomboy ka na ba?! Not way! Hindi ka pwedeng ma-inlove sa beauty ko! No! No! No!"

Umikot ang mata niya dito. "Hindi talaga no!" 'May Oddy na ako eh.' Gusto niya pa sanang idugtong, mabuti na lang at napigilan niya ang sarili.

"Hay naku! Tinatakot mo akong boba ka! Woo!"

"Ang OA mo!" Aniya na natatawa. "Saka syempre sasama talaga ako. First life ko to eh. Hindi ko pa to nagagawa dati!"

"Ang poor mo naman. Bakit hindi?"

"Daming tanong! Tara na nga!" Hinila na niya ito palabas ng classroom nila.

Habang naglalakad sila sa hallway ay pinagtitinginan at pinagbubulungan pa rin siya ng mga estudyante. Halos isang buwan na nang maging ZECOND's Princess siya ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-move on ang iba lalo na ang mga die hard fans ng ZECOND.

Simula rin noon ay hindi na siya ginagambala ng mga estudyante, wala ng nambu-bully sa kanya ngunit naroon pa rin ang masasamang tingin na hindi matanggap iyon.

Nagpaalam na sila ni Cass sa isa't isa. Sumakay na siya sa kotse, sa tabi ni Cate. Si Oddy naman ay may practice pa kaya't male-late ito ng uwi, gusto niya man itong panoorin ay nahihiya siya kaya't naisip niyang wag na lamang.

Ngayon ay nags-scroll siya sa news feed ng kaniyang facebook. Yes, may sarili na siyang facebook na ginawa lang kamakailan ni Cate sa kaniya. Bago man sa kaniya ngunit mabilis din siyang nakahabol dito, natutuwa nga siya dahil ngayon ay nakakasabay na rin siya sa mga kabataang kasing-taon niya rin.

Nakita niyang nag-pop ang notification niya. May bago na namang post ang page ng school nila. Agad niya iyong tinignan upang mabigla lang sa nabungaran.

Stupid SpecieWhere stories live. Discover now