Chapter Sixteen

428 46 0
                                    


Sabado ngayon at nasa kwarto pa rin si Talya dahil tamad na tamad siyang bumangon sa kaniyang hinihigaan. Wala namang pasok kaya't okay lang na nakahiga lang siya magdamag at nakatitig sa kisame.

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto niya. Hindi na siya nag-abala pang tignan iyon dahil busy ang mga mata niya sa kisame.

"Bakit hindi ka pa nakabihis?!" Tanong ni Cate gamit ang matinis na boses.

"Mukha ba akong walang suot?" Pabalang niyang sagot ngunit tamad ang kaniyang boses.

"What I mean is bakit ganyan pa rin ang suot mo? Duh? We're leaving kaya."

Napabalikwas siya ng bangon. "Saan tayo pupunta?"

Namilog ang mata ni Cate. "Oh my g. Don't tell me you don't know?"

Huminga siya ng malalim. "Magtatanong ba ako kung alam ko?"

Napapadyak ito sa sahig. "Ugh! Why didn't they tell you naman kasi!" Umirap ito sa kawalan. "It's West 5th birthday. Anak siya ni ninong Macon at ninang Ayashi, friend ni mom at dad."

Napatango-tango siya. Naging interesado siya. Ngayon ay gagala na naman sila. Makakalabas na naman siya ng mansyon. Sa school at mansyon lang kasi siya palagi. Hindi naman siya pwedeng umalis na lang basta-basta saka hindi niya kabisado ang lugar, baka mawala pa siya.

"So, go on! Take a bath na while I'm here! Ako na ang pipili ng outfit mo today!" Tinulak na siya ni Cate papasok ng banyo. Wala naman siyang nagawa kun'di ang sumunod dito.

Kung kanina ay tinatamad siyang kumilos, ngayon naman ang bilis ng mga galaw niya. Mabilis niya lang natapos ang pagligo kaya't lumabas na siya nang naka-roba lamang.

"Sit down." Pinaupo siya ni Cate sa harap ng salamin at nagsimulang ayusan ang kaniyang buhok. "Here, suotin mo 'to." Anito nang matapos sa kaniyang buhok.

Pumasok siya sa banyo upang suotin ang ibinigay na damit sa kaniya ni Cate. Napangiwi siya nang makita ang damit na iyon, iyon ang binili sa kaniya ni Cate noon na kahit kailan ay hindi niya pa nasusuot. Ngayon pa lang ata.

Isa iyong crop top hoodie na kulay itim at sa pang ibaba naman ay short short.

Isa iyong crop top hoodie na kulay itim at sa pang ibaba naman ay short short

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Isinuot na lang niya iyon dahil alam niya magrereklamo si Cate kung hindi. Nakakahiya naman lalo na at ito ang nag-asikaso sa kaniya.

"Perfect! You look perfect!" Tuwang sabi ni Cate pagkalabas niya ng banyo.

Ibinigay nito sa kaniya ang itim na rubber shoes matapos ay tumingin siya sa malaking salamin. Hindi siya sanay sa kaniyang suot, kita ang kaniyang pusod at litaw na litaw naman ang mapuputi niyang hita. Messy bun naman ang kaniyang buhok at nangingiwi siya sa sarili dahil tingin niya ay nang-aakit siya.

"Hmm.. Let's go na, unnie!" Nauna ng lumabas sa kaniya si Cate.

Nakasuot naman si Cate ng crop top din ngunit may jacket sa labas at pinaresan ng jeans. Nakalugay lang ang buhok nitong may suot na sumbrelo. Masyadong hot si Cate sa paningin niya.

Stupid SpecieWhere stories live. Discover now