Chapter Fourty

383 39 0
                                    


Limang araw ng namamalagi si Talya sa mansyon ni Pronto. Dalawang araw na lamang at ikakasal na siya. Patuloy pa rin siyang nag-iisip ng paraan kung paano makakatakas.

Mabait si Geco sa kaniya at itinuturing na rin niya itong isa sa kaniyang mga kaibigan ngunit hindi niya naman kayang pakasalan ang lalaki. Kapag naman bubuksan niya ang topic patungkol sa kanilang kasal ay nananatiling tikom ang bibig ni Geco kahit nakangiti. Wala itong sinasabi doon.

Ngayon ay hating gabi na, hindi pa rin magawang dalawin ng antok si Talya. Nasa isa siyang magarang kwarto, tila isa na nga siyang prinsesa sa bawat disenyo ngunit hindi man lang siya lumigaya sa mga iyon. Hindi siya sa materyal na bagay sasaya.

Naka-pajama-ng lumabas si Talya ng kaniyang silid, as usual naroon pa rin ang mga tauhan ni Pronto. Kahit saang sulok ng mansyon ay mayroong tauhan si Pronto, hindi pwedeng mawala ang mga ito.

Mabilis na dumapo ang tingin nito sa kaniya, tinging may pagbananta ngunit hindi naman gumalaw sa pwesto. Pinagbabantaan lamang siya ng mga mata nitong hindi siya makakatakas kahit pa anong gawin niya.

Inirapan niya ang mga iyon at naglakad. Hindi siya dinadalaw ng antok kaya't papagurin na muna niya ang sarili hanggang sa siya ay antukin. Nagtungo siya sa elevator na pinasadya talaga dahil matanda na si Pronto, pinindot niya ang pinakataas, ang teresa.

Nang marating ang teresa ay sumalubong sa kaniya ang malamig na simoy ng hangin kaya't napayakap siya sa sarili. Nagtungo siya sa bench at naupo doon, pinagmasdan niya ang mga bituin sa kalangitan habang nakangiti. Iniisip niyang isa sa mga bituin na iyon ay ang kaniyang inang namayapa na.

"Ugh!"

Napatalon siya sa gulat nang biglang may sumigaw. Tila may iniinda itong sakit base na rin sa boses nito.

Nakita niyang lumabas si Gray ng elevator. Hindi siya nakita nito dahil nakayuko ito habang hawak ang ulo, napahawak ito sa railings sa dulo ng teresa.

"F-fuck!" Muling inda ni Gray sa ulo nito na nagawa pang iuntog ang sarili sa railings.

Naalerto naman siya at mabilis na tinakbo ang distansya nila ni Gray. "S-sir, ano po bang ginagawa niyo?!" Sigaw niya at pinatigil ito sa pag-uuntog ng sarili sa railings ngunit tinulak lang siya nito.

"Ahh! Damn this! Damn! Damn! Damn!" Anito na paulit-ulit na inuntog ang ulo doon.

Natatarantang tumayo siya at inilagay ang palad sa railings upang ang palad niya ang matamaan kesa ang railings ng ulo nito. "Tama na! Nababaliw ka na ba?!" Hindi niya napigilang pagtaasan ng boses ang lalaki. Wala siyang pakialam kung tiyuhin niya pa ito, sinasaktan nito ang sarili. Hindi naman siya ganoon kawalang puso upang hindi ito pansinin.

Nagtagal ang ulo nito sa palad niya maya-maya lamang ay yumugyog na ang balikat nito, nakita niya ang sunod-sunod na pagpatak ng luha sa mga sahig.

"W-why? Who are you? Why are you always in my head? Why?" Nanghihina nitong bulong sa sarili at sapat lamang para marinig niya.

Natataranta niyang hinawakan ang likuran nito at hinagod upang patahanin ito. "D-diba kilala mo na ako? Sabi mo pamangkin mo ako eh. Bakit tinatanong mo pa?" Mahina niyang sagot sa lalaki.

Umangat ang ulo nito, napansin niya naman ang palad na may kaunting bakas ng dugo nang tignan niya ang noo ni Gray ay may dugo iyon. Ang mata nito ay agad na dumapo sa kaniya, nakita niya ang pangungulila at pagkalito sa mata nito.

"C-cresha..." Marahan nitong tawag. Nanigas siya sa konatatayuan, bakit kakaiba ang kaniyang naramdaman ng banggitin nito ang pangalan ng nanay niya? Tila ba masarap sa pakiramdam, tila parehas silang nangungulila sa isang tao.

Stupid SpecieWhere stories live. Discover now