Chapter 3

597 69 5
                                    


Naiiling na itinabi ni Oddy ang paper bag sa sabitan ng kaniyang motor saka iyon pinaandar ng mabilis. Kailangan niyang marating ang eskwelahan dahil doon sila magkikita ng kaniyang mga kasama.

Ang motorsiklong kaniyang sinasakyan ay galing pa sa kaniyang ama. Ito ang ginagamit nito noong mga kabataan pa nito at hanggang ngayon ay gumagana pa rin kaya't ipinamana sa kaniya. Kahit naman matagal na ang motor ay mukhang bagong-bago pa rin ito, masyadong maingat ang kaniyang ama dito kaya't ganoon din ang kaniyang ginagawa.

Mabilis niyang narating ang eskwelahan. Ipinarke niya muna ang motor bago bumaba. Nagtungo siyang covered court at napahinga ng malalim nang wala pa ang kaniyang team sa basketball.

"Vladimir!"

Napatingin siya sa gawing kanan at nakita niya ang kaniyang coach na si Baxter Hudson. Kinakawayan siya nito habang nakangiti. Mahigit nasa kwarenta na ang edad ng coach nila ngunit mukhang batang-bata pa rin ang mukha lalo na't nakikisabay ito sa uso. Millenial lagi ang pormahan.

"How are you, ninong?" Nakangisi niyang bati bago lumapit at nakipag-fist bump dito.

Ngumisi din si Baxter at sinuklay ang buhok gamit ang daliri at nagpa-pogi sa kaniya. "Hindi pa ba halata? Pogi ko 'no?"

Natawa siya ng mahina. "Joke ba 'yan, 'nong?"

Sumeryoso ang mukha nito at itinaas ang nakakuyom na kamao. "Gusto mo bang bigyan kita ng joke?"

Natatawang umatras siya. "Hey, I'm just joking."

"Hindi bagay sa 'yo. Ako lang ang joker dito."

Napapailing na napatingin siya sa relo. "They're late."

Nakakunot ang noo na tumingin din si Baxter sa relo. "Hindi kaya. Napaaga ka lang ng 20 minutes."

"That's the point. Dapat mas maaga sila sa 'kin. Dapat naumpisahan na nilang mag-warm up."

Tinapik-tapik siya ni Baxter sa balikat. "You're really a time freak. Maaga pa. Just relax."

Umingos siya. "They're wasting my time waiting. Tss!"

Naupo siya at naghintay pa ng ilang minuto. Sunod-sunod na nagsidatingan ang team niya sa court.

Tumayo siya at pinagkrus ang mga braso sa dibdib.

"You're late...again." Walang emosyon niyang saad.

Natigilan naman ang mga ito nang makita siya ngunit isang lalaki ang naglakas-loob na lampasan siya.

"Especially you, Montinez." Naiirita niyang sabi. "I'm not expecting this. You're a vice captain."

Nilingon siya ni Gav ngunit wala man lang makikitang emosyon sa mukha nito. Ibinaba nito ang bag habang nakatingin pa rin sa kanya.

"Sorry." Mahina nitong pahayag ngunit wala pa ring emosyon.

Iningusan niya ito. Hindi niya talaga minsan maintindihan ang pinsan. Napaka-wirdo nito dahil palaging walang emosyon. "And where's Miller? He should be here by now—"

"I'm here, captain! Sorry, I'm late. Traffic lang." Sabi ng kararating lang na si Levi na kanilang manager.

Inikutan na lamang niya ito ng mata.

Nagsipalitan na sila ng jersey at mabilis na bumalik sa court. Tinignan niya ang labing-isa niyang team mates.

"20 laps!"

"What?"

"Captain."

"Nakakapagod naman!"

"Ayoko, captain!"

"Busog pa ako!"

"Naiihi ako eh."

"Tumatawag si mama!"

"Kakain lang ako, cap!"

"Ang sakit ng ulo ko!"

"Oh shit!"

Kaniya-kaniyang dahilan at palusot ang mga ito habang ang pinsan niyang si Gav ay nag-umpisa ng tumakbo. Pinanlakihan niya ng mata ang mga ito.

"NOW!" Sigaw niya na halos um-echo sa buong covered court.

Mabilis na tumalima ang mga ito habang natawa naman si Levi.

Tinignan niya ito. "What are you doing, Miller?"

"What? I'm laughing, as you can see."

"Tss. Why are you still sitting there? I said 20 laps."

Natigil ito sa pagtawa at namilog ang mga mata. "Are you serious?" Hindi makapaniwalang tanong nito at nang makitang seryoso siya ay napatayo ito. "Ako dapat ang magsasabi niyan. I'm the manager, remember?"

"You're late, remember? Now, where's the 20 laps?"

Nagdadabog na umalis ito at nanakbo na rin sa field. Wala naman itong magagawa. Kahit na manager ito at mas matanda sa kaniya ay hindi niya ito titigilan. Alam kasi nito kung paano siya magalit.

Naupo siya sa bench na katabi ni Baxter na tatawa-tawa lang. "Nakakatakot ka talaga, Oddy. Akalain mong nasisindak mo 'yang si Levi. Tsk, tsk!"

"They should be scared. Masamang galitin ang isang Vladimir."

"I know. Matagal ko ng alam 'yan dahil nakasama ko ang daddy mo ng matagal."

Dumako ang tingin niya sa paper bag at biglang naalala ang mukha ni Talya sa kaniyang isipan. Mabilis niyang ipinilig ang ulo. Hindi niya dapat ito iniisip. Dapat mas focus siya sa practice dahil nalalapit na ang league.

Matapos ang practice ay umuwi na agad siya ng bahay. Magbabasa naman siya ng libro dahil hindi siya nakakatulog hangga't walang bagong natutuklasan. Hindi mapakali ang utak niya at maraming isipin kaya't ang libro ang pinagdidiskitahan niya.

Gabi na nang makauwi siya. Puspusan talaga ang practice nila dahil nga malapit na ang league. Dapat na nila iyong seryosohin. Matapos din ng practice ay sabay-sabay pa silang kumain sa isang restaurant, nagkwentuhan pa muna bago umuwi kaya't nagabi na siya.

Balak na sana niyang pumasok sa mansyon nang mapatingin siya sa playground. Tila kasi nag-iingay ang duyan.

Nang marating niya iyon ay nakita niya ang isang babae na nakasuot na ng pantulog, itinutulak nito gamit ang paa ang madamong sahig at sobrang lakas ng pagduyan nito.

"Tangina, perstaym!" Sigaw nito sa sarili saka tumalon sa duyan habang nasa ere pa.

Napasandal naman siya sa kalapit na pader upang pagmasdan ito. Curious siya sa kung anong naging buhay nito. Sigurado siyang may lahi ito, hindi ito pure Pilipina. Makikita naman agad iyon sa mukha dahil hindi ito pangkaraniwang Pilipina lang. Matangos din ang ilong nito, maputi kahit sa kalsada natutulog at kulay berde ang mga mata nito na sa tuwing tititigan niya'y ayaw niya ng alisan ng tingin. Maganda ito ngunit hindi niya type.

Ang type niya kasing babae ay morena, pure Pilipina, itim ang mga mata, hindi ganoon katangos ang ilong, hindi palamura at mahinhin, na kasalungat naman nito. Sigurado siyang hindi niya ito magugustuhan.

Nagpadulas ito sa padulasan at tuwang-tuwa na tila bata. "Wiieeee!"

Umingos siya kaya't gulat na napatingin sa gawi niya si Talya. Umayos siya ng tayo at lumapit dito. "You're not a kid anymore. Stop playing around."

Nangunot ang noo nito. "Minumura mo ba ako?"

Napahinga siya ng malalim. Isa pa ito sa isipin niya, hindi siya naniniwalang hindi ito marunong ng ingles lalo na't mukha itong foreigner. Napaka-imposible.

"Matulog ka na. Gabi na."

Umayos ito ng tayo at pinagpagan ang pantulog na suot. "Pwede ba? Nasa Pilipinas tayo kaya magtagalog ka naman."

"Don't make excuses, stupid. I know you can understand me." Inis niyang sabi dito.

"Tangina mo din! Makatulog na nga!" Sigaw nito at tinulak siya.

Napahinga siya ng malalim at napatingin na lamang sa likod nito. Hindi niya talaga ito gusto.

***

Stupid SpecieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon