Chapter Nineteen

424 45 10
                                    


Mabilis na pinaandar ni Oddy ang motor niya patungo sa lugar na kanilang pinag-usapan.

Hinahamon kasi ng grupong BLACK ang ZECOND. Sino ba naman sila para tumanggi? Ang sabi-sabi kasi'y hindi rin basta-basta ang BLACK. Sigurado siyang maganda-gandang laban din pala ang mangyayari sa kanila.

Mabilis niya lamang narating ang lugar. Madilim na dahil gabi na ngunit bilog na bilog naman ang buwan kaya't kahit nasa liblib silang lugar ay makikita pa rin nila ang isa't isa.

Akala niya ay maghihintay pa siya sa mga kasamahan niya ngunit mukhang nauna na ang mga ito sa kaniya. Sabik na sabik na rin kasi sa bakbakan ang mga ito. Hindi sila nakipaglaban sa loob din ng dalawang buwan.

"Ikaw ata ang na-late ngayon, One?" Nakangising tanong ni Harry.

Codename ang gamit nila ngayon dahil nasa bakbakan sila.

"Putek! Sabik na sabik na talaga ang kamao kong makabasag ng mukha eh!" Tila nangangating saad ni Owen.

Napailing-iling na lang siya at hinarap ang leader ng BLACK na nasa hindi kalayuan sa kanilang pwesto. Kita niya ang kaseryosohan sa itsura nito habang nakatingin sa kanila.

"Anong tinitingin-tingin niyo, huh?!" Galit na sigaw ni Vane sa mga ito.

Natawa si Prick. "Relax ka lang, Twelve." Anito kay Vane na siniringan lang ng isa.

"Magtitinginan na lang ba tayo dito? One? Two?" Takang tanong ni Rei habang tinitignan silang dalawa ni Gav.

Nang tignan niya ang bilang ng BLACK ay labing-lima ang mga ito. Lamang lang ang mga ito ng tauhan dahil labing-dalawa lamang sila.

"Wanna know our leader's name, One?" Nakangising saad ng nasa kanang bahagi ng leader ng mga ito.

"Why would I?" Sagot niya.

"Because you're curious?"

Ngumisi siya. "If I'm curious, I would gladly ask. Hindi yung sasabihin mo saking curious ako kahit hindi naman."

"Matapang ka talaga, ano? Ano kayang binatbat ng grupo niyo samin?"

"If we're just talking, nothing will happen. Why don't we start our fight instead?" Sagot naman ni Gav gamit ang malamig nitong boses.

Napailing na lang siya. Hindi man halata sa pinsan niyang si Gav ngunit alam niyang sabik na rin itong makipagbakbakan. Sadyang tahimik lang talaga ito at malamig tumingin kaya't akala mo'y wala itong pakialam sa nangyayari.

"Alright." Umayos ng tayo ang leader ng kabilang grupo.

Mabilis na sumugod ang BLACK sa kanila. Hindi naman sila nabahala dahil alam nilang may angkin din silang lakas na hindi kayang pantayan ng mahihinang tao lang.

Inilagan niya ang sipang paparating sa kaniya. Mabilis niyang hinawakan ang paang iyon at gamit ang lakas ay pwersahan niya itong inikot at binitiwan na lang ng basta-basta.

Hindi niya inaasahan ang biglang pag-atake sa kaniyang likuran na sinipa ng kung sino kaya't nabagsak siya sa lupa. Bago pa man tumama ang kaniyang katawan doon ay mabilis niyang nakontrol ang katawan.

Nang lingunin niya ang sumipa ay walang iba kun'di ang lalaking sumasagot-sagot sa kaniya kanina iyon. Nang tignan niya ang leader ng mga ito ay nakikipaglaban ito kay Gav.

Ngumisi ang lalaki. "Natatakot ka na ba, One?"

"Why would I? You're not even the leader. You're just a member, dumbass."

Napasinghal ito. "Hah! Akala mo ganoon lang ako kadaling matalo?! Ako ang pinakalakas samin bukod kay pinuno!"

Ngumisi siya. "And you're underestimating me. I'm not the leader for nothing." Sagot niya at mabilis na sumugod dito.

Stupid SpecieWhere stories live. Discover now