Chapter Twelve

453 49 7
                                    


Nagniningning ang mata ni Talya habang tinitignan ang kabuuan sa salamin. Nagpapa-cute pa siya doon at minsa'y iikot upang makita rin ang likod. Magpo-pose sabay kikindatan ang sarili.

Masyado kasi siyang nagagandahan sa suot niyang uniporme. Kulay puti na long sleeves ang suot niya sa loob habang sa labas naman ay coat na itim. Nakatatak din sa kaliwang dibdib niya ang pangalan ng eskwelahan. May necktie siyang purong itim lamang habang ang palda ay kulay itim lang din na may dalawang guhit sa pinakailalim na kulay puti, umabot lamang iyon hanggang kalahati ng hita niya. Nakasuot din siya ng itim na medyas na hanggang ilalim ng tuhod ang taas at ang kulay itim niyang sapatos ay may takong na one inch lamang.

 Nakasuot din siya ng itim na medyas na hanggang ilalim ng tuhod ang taas at ang kulay itim niyang sapatos ay may takong na one inch lamang

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang buhok niya naman ay nakalugay ang ibaba habang ang itaas ay itinali na tila kalahating ponytail. Nagpulbo lamang siya at pabango, ngayon ay lalarga na siya upang pumasok sa paaralan.

Huminga muna siya ng malalim matapos ay ngumiti ng malaki sa salamin. Nang makontento ay kinuha niya ang kulay puti niyang bag sa kama at lumabas na ng kaniyang kwarto.

Nadaanan niya ang sala at nakita si Primo at Phemie na nakikipaglaro kay Pollo. Huminto siya sandali upang pagmasdan ito. Masyado kasi itong maganda sa paningin.

"Talya!" Sigaw sa kaniya ni Phemie nang mapansin siya nito. Agad itong lumapit at niyakap siya ng mahigpit. "Papasok ka na?"

"Opo." Sagot niya na gumanti din ng yakap.

Lumapit sa kanilang gawi si Primo na hawak si Pollo sa kamay. "Hecate and Odysseus are waiting for you, Talya."

Humiwalay si Phemie ng yakap sa kaniya. "Sandali lang! May kukunin ako!" Dali-dali itong nawala sa harapan nila at sandali lamang ay bumalik na ito. "Baon mo, ako ang nagluto niyan. Hihihi."

Napaawang ng kaunti ang labi niya habang tinatanggap ang paper bag na may lamang baunan. Tila may humaplos sa kaniyang puso. Wala pang kahit na sino ang gumawa ng baon para sa kaniya. Muli niyang niyakap si Phemie. "Salamat po, boss." Aniya saka humalik sa pisngi nito.

Nginitian siya ni Primo. "And here's your cellphone. Call us if something happens." Binigay naman nito ang cellphone na naka-kahon pa.

Namumuo ang luhang tumango siya. "Thank you, master." Aniya na pinipigilan ang pagluha.

Napagdesisyunan na niyang tawagin itong master. Si Phemie ay boss niya at si Primo ay master niya.

"You can have this, Talya." Lumapit sa kaniya si Pollo at iniumang ang kamay nito upang ibigay sa kaniya ang maliit na bagay na hawak nito. "This is my lucky charm." Anito na iniwagayway pa ang isang balot ng potchi na hawak nito sa isang kamay matapos niyang matanggap ang isang pirasong potchi.

Yumuko siya upang magpantay sila. "Salamat, Pollo." Hinalikan niya ito sa pisngi saka tumayo. "Maraming salamat po. Papasok na ako po." Tinanguan niya ang mga ito bago lumabas ng mansyon.

Stupid SpecieWhere stories live. Discover now