Chapter Eleven

439 49 2
                                    


Nasa rooftop si Oddy, nakasandal sa pader at naninigarilyo. Naninigarilyo lang naman siya kapag naiinis na ng sobra, kinakabahan at nagsisisi.

Humithit siya at ibinuga iyon. Nakaangat ang kaniyang ulo habang tinitignan ang buwan. Madilim ang kaniyang mukha at hindi maipinta ngunit makikita naman sa mata ang kalambutan.

"Stop smoking." May biglang humablot ng sigarilyo niya nang ididikit niya sanang muli sa labi. "Here, take this instead." Ibinigay nito sa kaniya ang isang lollipop na mabilis niyang tinanggap.

Napaawang ng kaunti ang labi niya at napaayos ng pagkakatayo. "Dad."

Huminga ng malalim si Primo at sumandal din sa pader. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi makabubuti ang paninigarilyo sa kalusugan?" Inapakan nito ang stick ng sigarilyo at isinuksok ang kamay sa magkabilang bulsa.

Napayuko siya. "I-i'm sorry, dad."

Tumingin sa kaniya si Primo, mata sa mata. "I heard what happened, Cate told us." Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. "Bakit mo naman sinabi 'yon kay Talya?"

Unti-unting kumunot ang noo niya nang maalalang nawala si Talya. Nag-uumpisa na ring kumuyom ang kaniyang kamao. "B-because she's so stupid, dad! Malaki ang university! Nahirapan kaming hanapin siya kanina!" Nag-igting ang panga niya nang maalalang kasama ni Talya si Teo kanina. "At malalaman ko lang na umalis siya para makasama si Teo? Sinong hindi maiinis, dad?"

"Calm down, young man." Pagpapakalma ng kaniyang ama. "What are you feeling right now, Odysseus?"

Nangunot ang noo niya sa pagtataka ngunit hindi na siya nagtanong pa. "Naiinis ako?" Patanong niyang sagot. "Naiinis ako kasi tanga siya. Yeah, right. Nakakainis ang katangahan niya." Tatango-tango niyang sagot.

Natawa ng mahina si Primo na tila ang sagot niya ay isang katatawanan. Hindi naman siya makapaniwalang tumingin dito. Bakit ito tumatawa? May mali ba sa sagot niya? "Why don't you admit that you're worried?" Kapagkuwa'y sabi nito.

Tumagilid ang ulo niya sa pagtataka. "Worried?"

'Am I?'

"Uh-huh." Tumango ang kaniyang ama. "Even if you're not that close, Talya has a small part in your heart already. Am I right?" Ngumisi ito.

Nagtataka pa rin siya. Iyon ba yun? Pero galit siya kanina. Imposible. Bakit naman siya mag-aalala sa babaeng iyon?

"Apologize to her, Odysseus." Tinapik nito ang balikat niya. Hinabol na lamang niya ito ng tingin hanggang sa mawala ito sa paningin niya.

Naisipan niyang lumabas muna upang makapag-isip-isip. Hindi pa rin pumapasok sa isip niya kung bakit siya mag-aalala kay Talya. Sa pagkakaalam niya ay wala siyang pakialam dito. Baka nagkamali lang ang kaniyang ama. Tama, nagkamali lang ito.

Sumakay siya sa kaniyang motorsiklo at pinaandar iyon. Hindi niya alam kung saan siya pupunta kaya't hinayaan niya na lamang ang kaniyang kamay at motor ang gumalaw. Malalim na ang gabi at madilim ang eskinitang napasukan niya. Alam niyang hindi pa siya naliligaw dahil kabisado niya ang mga lugar na dinadaanan niya.

Mabilis ang pagpapatakbo niya ng motor ngunit may bigla na lamang humarang sa kaniyang isang babae na kinakaladkad ngayon ng isang lalaki patawid. Napapreno siya ng wala sa oras.

"What the hell?! Are you out of your mind?!" Irita niyang sigaw. Kanina lang ay naiinis siya, ngayon ay naiirita na siya. Mas lalong pinapalala ang galit niya.

"Fuck you! You were the one who's driving! You are out of your mind, man! Come here and I'll fucking kill you for that!" Sigaw ng lalaking foreigner sa kaniya.

Stupid SpecieWhere stories live. Discover now