Epilogue

201 10 7
                                    


I can't believe when I heard a news about Zaya. Gusto kong sasaksakin ang sarili ko dahil sa sakit na nararamdamn ko ngayon. Triple yung sakit na nararamdaman ko ngayon. I can't imagine myself without her. Halos mamatay nga ako ng iwan niya ako sa mismong birthday ko. Pero mas masakit ngayon. She left me without saying a single word. She left me without saying she love me so much that she'll lose herself without me. She left me without kissing my lips.

Ansakit lang sa part na wala ka sa tabi nong dinaranas niya ang sakit at lungkot. Sobrang sakit!

"Anak, stop crying na!" pag-alo ni Mommy sa akin.

Inangat ko ang tingin sa kaniya. At tiningnan siya ng masama. Umiiyak rin siya.

"Bakit ka umiyak ha?! Nasaktan ka ba? Kung sana sinabi niyo sa akin noon pa lang na ampon lang ako! Na anak ako ni Tita Loren, sana nandon ako ng manganak si Zaya! At naalagaan ko siya. Nang dahil sa inyo nawala siya sa akin!" sigaw ko sa kanya.

"Anak I'm so sorry, ginawa ko lang yon. Because I don't want to hurt you." hinagod niya ang likod ko. Pero inalis ko iyon.

"Di niyo inisip na mas nasasaktan ako nong malaman kong magkapatid kami ni Zaya. Pero hindi pala! Dahil ang anak niyo lang ay si Katey. Sana sinabi niyo sa akin Mom. Di yung ganito! FUCK THIS LIFE!" malakas kong sigaw.

Wala na akong paki kong masasaktan si Mommy ngayon. Dahik mas nasasaktan ako ngayon.

"Di niyo nga pinaalam sa akin na may anak kami ni Zaya. Na buntis siya. Ngayon niyo lang sinabi na huli na ang lahat. Anong klaseng magulang kayo!"

"Ngayon lang namin nalaman ng-"

"Labas! Leave me alone!"

Di na nagmatigas si Mom. Umalis kaagad siya sa kwarto ko. Ayokong makita ang pagmumukha nila. Nag dahil sa kanila wala akong nagawa! Ilang araw na rin akong hindi pumasok ng malaman kong wala na si Zaya. Isang buwan na ang nakalipas. Bumalik na rin daw si Tita Diana sa bahay nila kasama ang anak namin ni Zaya. Kukunin ko ang anak namin gusto kong ako ang magpapalaki sa kaniya.

Dalawang linggo akong nagmukmok sa kwarto ko. At inihanda ang aking sarili na bisitahin ang puntod ni Zaya kasama ang anak namin. Pupuntahan ko ang baby namin sa bahay nila Tita Diana. Tinext ko mo na siya na pupunta ako sa kanila. Pumayag naman siya. Inayos ko ang mukha ko at nag ahit na rin.

Lumabas ako ng kwarto ko. Nasa hagdanan palang ako ay nakita ko si Mom nasa sa sala tiningnan ako. Iniwas ko lang tingin ko at naglakad palabas ng bahay. Pinaandar ko na ang kotse ko. At namarating na rin ako sa bahay nila Tita Diana. Binago ang pintura nito. Bumuntong hininga ako habang nakatingin sa harap ng bahay nila. Naalala ko yung time bumisita ako at nakita ko ang pamumula ng pisngi ni Zaya. Pero ngayon wala ng Zaya na sumalubong sakin. Pero may baby na sumalubong sa akin. Sa may pintoan nila buhat siya ni Breah. Unti-unti akong napangiti dahil kamukha niya si Zaya. Sa matang instsik, kilay, pilik mata, labi, ang shape ng mukha na parang siopao dahil malaki pero napaka cute ng anak ko, at ang tangos ng ilong niya ay nagmana sa akin. Ilong lang naman sa niya sa akin Zaya? Ang daya mo naman. Ang ganda ng anak ko. Mamula-mula pa ang pisngi nito, ang kamay at ang paa. At sobrang puti niya.

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now