Chapter 24

84 7 0
                                    

Gumising ako ng maaga upang makapaghanda na. Gustong-gusto ko na kasing pumasok para makita ko si Kim. Di ko nalang inaalala ang problema namin ni Mamay dahil ma'depress lang ako. Di pa rin kami nag-uusap. So eto ako sinisikap na maging ok. Pero naging ok na rin ako dahil kay Kim. He's a god send to me.

Nagbibihis na rin ako ngayon at pagkatapos ay nagsuklay. Tinalian ko ang buhok ko para maging mas maganda ako. Pagkatapos ay kinuha ko ang bag ko at sinuot iyon at lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko ay nakita ko si Mamay na nilapag ang pagkain sa hapag. At si Kuya naman ay nakaupo at nakapagbihis na ng uniporme.

"Kuya alis na ako" paalam ko at lalabas na sana ako ng bigla siyang nagsalita.

"Kain ka mo na rito Zaya" seryuso niyang sabi.

"Ahm busog pa ako sa school nalang ako kakain"

"O, sige pupuntahan kita sa classroom mo"

Tumango lang ako at tinalikuran sila. Nakatunganga lang si Mamay kanina habang nakinig sa amin ni Kuya. Di rin ako nanghingi ng baon. Dahil may ipon naman ako. Dahil sa panlilibre ni Kim sa akin. Kaya nakapag-ipon ako.

Nang makarating ako sa eskwelahan ay bumuntong hininga ako at ngumiti. Ilang araw rin kasi akong absent. Ngayong lunes ko lang naisipan na pumasok.

Naglakad ako papasok ng biglang nag vibrate ang cellphone ko. At nakita kong may text si Daisy sa akin.

Daisy: Nasa gymnasium kami. Magpapractice na simula ngayon.

Ako: Ok I'm on my way.

Dali-dali naman akong naglakad papunta roon. Pagkapasok ko ay agad kong nakita ang mga kaibigan ko na nakauopo sa bleachers. Agad silang tumakbo papunta sa akin at niyakap ako.

"Namiss ka namin Zay" ani Reigna.

"Namiss ko rin kayo" nakanguso kong sabi.

"Group hug....group hug!" sambit ni Louisse.

At nag group hug kami at nagtawanan.

Naalala ko yung sinabi ni Kuya sa akin na pupuntahan niya ako sa classroom ko kaya tinext ko siya.

Ako: Kuya, wag ka sa classroom pumunta. Nasa gym kami ngayon for the practice. Boung araw kami dito.

Pagkatapos ay nakisali ako sa mga kaibigan kong nag-uusap at nagtawanan.

"You know what Zay. Palaging pumunta si Kim sa classroom natin" kinikilig na sabi ni Ellie at tumalon-talon.

"Really?" tumaas ang kilay ko at ngumiti.

"Sabi na nga ni Ellie diba? Uulitin pa niya?" pilosopong sabi naman ni Breah.

Hinampas ko siya sa braso."Panira ka talaga" inismiran ko siya.

Biglang nag vibrate ang cellphone ko. Baka si Kuya na ito. Kaya dali-dali kong kinuha sa bulsa ko.

Kuya Zian Rumylle: Nandito na ako. I saw you with your friends.

Inilibot ko ang mata ko kung nasaan siya. Di ko siya nakita.

Ako: Where are you? Di kita makita.

Nakakuot ang noo kong tiningnan ang cellphone ko. Nang bigla akong kinalabit ni Joanna.

"Si Kim ang hinanap mo? Don siya oh" turo niya sa upoan na na kaharap namin at nakita ko naman siya.

"Hindi si Kim ang hinanap ko. Kung di ang Kuya ko!" malakas na sabi ko. At napalingon si Breah sa akin.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. At umiwas naman siya. Ano kaya ang meron nitong dalawa. Malalaman ko rin hahaha. Natatawa ako mag-isa. At nag vibrate ang cellphone ko.

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now