Chapter 57

73 4 0
                                    


"Hey sorry na!" pa ulit² niyang sabi.

Kanina pa kamo rito sa student's area pero di ko pa rin siya pinansin pagkatapos niyang sabihin iyon! Panay hawak niya sa aking kamay pero binbawi ko naman.

"Pinatawad naman kita. Kahit lapit ka ng lapit don sa William na yon...pero alam mo namang hindi kita matitiis diba? Humingi na nga ako ng tawad." pagmamakaawa niya pero di pa rin ako kumibo."Love, hoy love!"

Di ko parin siya pinansin. Manigas ka jan buset ka. Imbis ako ang gagalit sayo. Ako ang nagalit ngayon ha buset ka! Panira ka sa plano ko. Magdusa ka jan. Hanggang sa manigas ka. Akin yang plano pero inagaw mo. Nakakinis ka talaga Kim! Sumama ka nalang kay Daisy. Natigilan ako. Bat ko ba sinali ang kaibigan ko rito? Baliw na talaga ako.

Tiningnan ko lang ang mukha niyang nakanguso. Habang patuloy niya akong sinusuyo. Hahaha buset gusto kong mata pero kailangang magalit ako sa kanya. Kaya pinigilan ko iyon. Panay hawak niya aking kamay pero binabawi ko. Panay paglalambing niya sa akin pero di parin ako kumibo. Kahit sobrang nakakatawa na ang mukha niya. HAHAHA.

"Love sorry na nga!" para siyang batang gustong magpabili ng laroan.

Di ko na talaga matiis. Humagalpak ako ng tawa. At hinawakan ang aking tiyan dahil sa sakit. Mariin niya akong tiningnan at umayos siya sa kanyang pag-upo.

"Oo na, para kang timang jan!" tawa ko parin.

"Pinagtitripan mo ko!" mariin niyang sabi sa akin.

"Hoy ikaw rin naman!" sagot ko. Sabay tayo at takbo.

So ayon naghahabulan na naman kami. Para kaming elementary sa ginawa namin.

Natapos ang araw ko na may ngiti sa labi. Dahil nagkaka-ayos na kami. Sabay rin kaming umuwi. At hinatid niya ako sa amin. Nagmamadali nga siya dahil may dinner sila ng kanilang pamilya. Kaya di mo siya tumuloy sa bahay namin. Ok naman sa akin yon. Dahil pamilya naman niya.

Pagdating ko ay, agad na nagtanong si Breah na masaya ba. Sinabi ko namang oo, kahit hindi ko naman enjoy. Baka hanggang bukas hindi ako maeenjoy. Dahil wala akong sinalihan na sports. Si Kim meron, syempre basketball. Pumasok nalang ako sa king kwarto. At pabagsak na humiga. Panay ngiti ko, wala namang tao sa loob. Ako lang naman baliw lang siguro ako.

Tumawag si Ate at kinamusta niya ako. At si Mamay. Nabanggit niya kasi na malapit na ang birthday ni Lola. Sa sembreak na iyon. Kaya uuwi kami sa bukid. Pagkatapos ng usapan namin ay nakahiga ulit ako. At bumangon naman para mag bihis. Pagkatapos ay tinawag ako ni Mamay upang kumain ng haponan.

"Oh, kamusta ang Intrams anak?" tanong niya nang nasa hapag na ako at kumuha ng kanin.

"Masaya naman" wala sarili kong sambit at sumubo.

"Eh bakit parang hindi?"

"Nagkasama na naman kayo ni Kim ano? Kaya di mo alam ang kaganapan sa Intramurals!" umalingawngaw ang boses ni Breah sa hapag. Sinaway naman ni Kuya. Kaya nagkapikonan.

"Hindi nu! nanood nga ako ng pageant nila" sagot ko.

"Sayang di ako nakapunta." nakanguso niyang sabi.

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now