Chapter 39

77 6 0
                                    


Nagising ako ng maaga at bumangon agad. Nadatnan ko Mamay na naglilinis sa labas kaya tinulongan ko siya. Inasar niya ako. Dahil tumulong raw ako. Di ko sinabi sa kanya na nag-aaway si Kim at Henrich kagabi baka may isa sa kanila ang hindi na papuntahin ni Mamay rito. May mga sinasabi si Mamay pero di ako gaanong nakinig. Panay isip ko kay Kim dahil nagsisisi ako sa aking ginawa kahapon.

Bakit ba kasi ginawa ko yon? Ang tanga ko kasi. Gumawa na nga ng paraan para mapaselos si Kim. Eh pumalpak pa. Palpak talaga akong tao nu?!

Bumuntong hininga ako at umopo saglit. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa. E'cha-chat ko nga. Kaya nag facebook mo na ako. At tinype ang pangalan niya. Pero walang lumabas. Di kaya nag de-activate siya? My gosh pano na ito? E text ko nalang.

Ako: Kim sorry nga pala ka gabi. Hope mapatawad mo ako.

Nag hintay mo na ako saglit. Baka mag reply siya pero wala. Parang dadaloy na ang luha ko. At pinaypayan ang sarili ko. Ano ba Zaya napakaiyakin mo talaga. Shempre galit sino namang hindi magagakit sa mga pinaggagawa mo eh. Tanga mo kasi. Sabi ko sarili ko. At nagpatuloy sa paglilinis.

Ilang saglit pa ay naisipan kong e'chat si Reigna. Kaya huminto na mo na ako sa pagwawalis. Para e'chat si Reigna. At sakto online nga siya.

Ako: Reigna, pakisabi naman kay Kim oh. Na mag reply siya sa akin.

Agad siyang nag reply.

Reigna: O, sige wait lang pupuntahan ko siya sa kanila.

Naghintay mo na akong mag chat uki si Reigna at pagkatapos nag reply na siya.

Reigna: Kagabi pa hindi lumalabas ng kwarto si Kim, Zay. Ayaw niya maestorbo kay hinyaan nalang ni Ate. Kahit sino ayaw niyang papasokin sa kwarto niya.

Ako: Ahhh, ganon ba? sige salamat bess.

Para akong nawalan ng gana. Dahil sa akin to eh! Bat ako maapektohan eh kasalanan ko naman. Umopo ako sa lamesa at tumingin sa kawalan. Bakit ba ganito Kim? Pwede mo naman akong mapatawad. Baka sobra niyang dinadamdam ang mga sinasabi ko sa kanya.

"Zay ako nalang jan"

Napatalon ako sa boses ni Mamay sa likod ko. Kaya nilingon ko.

"Hindi May malapit na pong matapos" at tumayo ako. At akmang mawawalis pero inagaw ni Mamay.

"Magpahinga ka mo na. Mukhang ang dami mong iniisip" sabi niya. At siya na ang nagwalis.

Napatulala ako. Oo nga nu. Kaya pumasok ako sa bahay at umopo sa sofa. Hayy bakasyon na naman. Ang boring na naman. Nilapag ko ang cellphone ko sa coffee table. Na hanggang ngayon wala pang reply kay Kim.

At napansin kong bago ito. Oo nga pala na sira ang isa dahil kay Kuya. Kamusta na kaya si Papay? at sila Tita nu? Kahit ang salbahi ni Tita na miss ko rin ang bunganga niyang walang tigil kakasermon. Nakakamiss rin pala yung mga taong nanakit sayo nu? Dahil habambuhay mong dala-dala ang mga masasakit na salita na ibinato sayo.

Biglang lumabas si Kuya sa kanyang kwarto at bihis na bihis.

"San lakad natin Mayor?" pagbibiro ko.

"Anong Mayor Zaya?" sabi niya habang nasa salamin ang atensyon.

Tumikhim pa ako. Dahil panay ayos niya sa buhok niya. At nagpabango.

"Saan lakad niyo po?" tumatawa kong tanong.

"May date kami" tawa niya ring sagot."buti kami date ng date eh kayo?" mas lalp siyang humalakhak.

"Edi wow sa mga magkasintahan na pa feeling, edi wow sa inyo!" sigaw ko at mas lalo siyang natawa.

"Inggit ka lang" at hinalikan ang noo ko.

"Sana all may ka date" sigaw ko kahit nakalabas na si Kuya.

Umayos ako sa pag-upo. Ay nakatitig sa TV na off. Edi wow sa inyo. Edi kayo na may lab. Ako walang lab. Niyakap ko ang sarili ko. At nag iyak-iyakan. San naba kasi ang bebe ko. Hoy nasaan kana! Sabi ko sa sarili ko.

"Taga sana all lang ako rito sa mundo" wala sa sarili kong sabi.

Tumayo ako at pumasok sa kwarto. Para maglinis. Natulog parin si Ate. Pero bahala na maglilinis parin ako. Binuksan ko ang bintana. Para hindi naman dark ang paligid char. Nagwalis ako. At pinusan ang bintana namin. Inayos ko ang mga damit na nagkalat. Mga make up ng Ate kong hindi naman gaano karunong. Inayos ko lahat.

At pagkatapos lumabas na rin ako. At pupuntang kwarto ni Kuya para linisin rin. Nag walis ako at inayos ang mga damit. At nagulat ako dahil may damit si Breah na natipon sa damit ni Kuya. Hala! ano kaya ang sekreto nitong dalawa? Di ko naman nakita si Breah na natutulog rito ah? Don't tell me? Napatakip ako sa bibig ko. No masyado kang dirty minded Zaya.

Inayos ko nalang at pagkatapos ay sa kwarto ni Mamay. Pero hindi ako nagulat dahil palagi naman itong malinis. Kaya lumabas nalang ako at bumalik sa sala. Nakatulala parin ako. At kalaunan tumayo at pumuntang kusina. At kumuha ng mango float. Dinala ko sala at doon ako kumain.

In-on ko ang TV at nanood ng cartoons. Habang nanood ako panay kain ko. Kung ganito ang gagawin ko buong summer mag mukha akong baboy nito.

Biglang pumasok si Mamay."Di pa gising ang Ate mo Zaya?"

"Di pa po May"

"Ah sige pasok mo na ako sa kwarto at mag pahinga" paalam niya sa akin.

"Sige po May"

Nang pumasok si Mamay ay nanood lang talaga ako ng TV. Panay kain ko rin kong ano-ano lang ang kinain ko. At ano-ano lang ang posisyon ang ginawa ko.

Di ko namalayan ay nakatulog na pala ako. At nang gumising ako ay dilim na dilim ang labas. Nagtaka rin ako dahil ang TV lang ang nag bigay ng liwanag sa bahay at yung mga ilaw off pa. Nasaan nga pala sila Mamay? Ako lang ba ang mag isa?

Tumayo ako at kinapa ang switch para may ilaw ang bahay. Lumiwanag na. At tsaka ang tahimik. Di pa ba nakarating si Kuya? Si Mamay at Ate nasaan? Inisa isa ko ang kwarto namin pero wala sila. Bat nika ako iniwan? Ako lang mag-isa rito. Binuksan ko ang pintoan. At ang lamig ng hangin tapos ang tahimik.

Nasaan ba sila? Bat ako lang? Pumasok ulit ako sa bahay dahik sobrang creepy sa labas. Walang tao ni isa sa kalye.

"Mamay, Kuya, Ate naasan ba kayo?" nanginginig kong sabi.

Pero biglang bumukas ang pintoan at agad iniluwa sila Mamay, Ate at Kuya na masiyahing nag-uusap.

"Oh gising kana pala Zaya" sabi ni Mamay.

At nanatili parin akong nakatulala sa kanila. Dahil bihis na bihis silang tatlo.

"Teka san kayo galing May? Bakit hindi ako kasama?"

"Nag simba kami ng Ate mo. Ito naman ang Kuya mo ay nagkita lang kami sa daan" paliwanag ni Mamay.

"Tulog ka kasi Zay. Kaya di ka nalang namin ginising ni Mamay" sabi naman ni Ate.

"Tulog ka ng tulog kasi" tumatawang sabi ni Kuya.

Ngumuso ako."Ako lang mag-isa rito"

"Sa susunod wag kanang matulog" paalala ni Mamay."oh siya kumain na tayo."

Sumunod ako sa kanila sa kusina. At nag si upoan na rin kami at kumain. Nagtawana kami at nagkwetohan. At ito talaga ang namimiss naming gawin. At salamat dahil bumalik ang sigla ko dahil sa pamilya ko na kasama ko ulit....

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now