Chapter 64

55 4 0
                                    


Si Kim na rin ang nag order dahil tinamad akong tumayo. Tapos ang taas pa ng linya. Nakaupo lang ako rito sa table. Malapit sa salamin ako umopo at nasa 2nd floor. Dahil makikita mo ang lights ng syudad. Gusto ko kasing kumain ng may nakikitang paligid.

Panay libot ng mata ko sa mga tao na kumakain. Dahil natatakam ako sa mga kinain nila. Nagugutom na ako! Shet nasaan na ba si Kim my gosh! Then suddenly I saw a familiar girl. Napatayo ako at tumakbo papunta sa kanya.

"Caaaaareanne!" sigaw ko wala akong paki kung marinig ako ng mga tao nu!

"Zaya!" sigaw niya rin. At nagyakapan kami.

"Sinong kasama mo?" tanong ko.

"Ahm family ko Zaya"

"Oh nasaan si Vincent? Vincel? Ano nga ba yun?"

"Vincel ssshhh...wag kang maingay di pa alam ni Mommy at Papa" pabulong niyang sabi.

May sumigaw na batang babae mga 2 years old ata or three.

"Ate!" niyakap niya ang binti ng kanyang Ate Careanne.

Lumuhod kaming dalawa ni Careanne. Para mapantayan namin siya. Hinawakan ko ang kamay niya. Ngumiti naman ito. Owww how sweet.

"Careanna this is Ate Zaya my best friend. Mag bless ka kay Ate Zaya dali"

Hinawakan ng malilit niyang kamay ang kamay ko at nag mano. At niyakap niya pa ako.

"You're so cute sweetie pie!"

"Tha...thank y..youu Ate Zay"

She's so cute. Last naming nakita ito baby pa ito. Shempre lahat naman tayo dumaan sa pagka baby eh tanga ko talaga.

"Zaya!"

Biglang may tumawag sa akin. Napalingon ako at tumayo. Binuhat na rin ni Careanne ang baby niyang kapatid.

"Vincent! I mean Vincel!"

Kasama pala niya si Kim papunta rito. Niyakap ko siya.

"Stay strong kayo sa bro ko ha?" inakbayan niya pa ito.

"Kapag good boy yan!"

"Uy bro kayo rin ni Careanne" singit naman ni Kim.

"Hoy!" saway ni Vincel sa kanya.

Tumawa lang si Kim.

"Oo nga pala sorry." nag peace sign pa ang timang.

"Ate who's that guy? with Kuya Vin?" ang liit ng boses niya.

"He is Kuya Kim"

Natawa ako."Parang Kuya Kim na nsa matanglawin? Hahahahah"

Natawa naman sila sa jokes ko.

"Hello Kuya!"

Lumapit naman si Kim at binuhat si Careanna.

Nag kwentohan kami sandali. At tinawag na sila ni Tito at Tita para umuwi. Nag mano mo na kami ni Kim bago sila umalis.

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now