Chapter 65

59 4 0
                                    


"Hoy ano tong narinig ko? Nag propose raw si Kim. Sayo na magpakasal kayo?" tanong ni Ellie sa akin.

Kanina pa sila sunod ng sunod sa kain. At pareho lang ang tanong nila. Kakatapos lang ng klase namin. Ngayon at ito na naman sila. Sinundan ako para tanongon kung fiance ko na ba si Kim. Hays saan kaya to nila nakalap? Mga tao talaga hays. Huminto ako sa pagliligpit ng gamit. At tiningnan silang dalawa. Na nag hintay sa isasagot ko.

"Oo, ok? Wag niyong sabihin kay Mamay. Tsaka na namin to sabihin kong 18 na kami"

Nanlaki ang mga mata nila.

"Ano?!" sigaw ni Louisse.

"Baliw ba kayo Zaya? Ang bata niyo pa para sa ganyan." si Ellie.

"Wala kaming paki. Ang gusto lang namin ay hindi kami magkakahiwalay. Kahit ngayon pa kami ikasal." at ipinagpatuloy ang pagliligpit.

Nang bigla akong binatukan ni Ellie. Aray ang brutal nila talaga.

"Hoy! baliw kana talag kay Kim, Zaya! Ano? ikaw ang susunod kay Breah na mabuntis? Ma-agang nagkaka-anak? Maagang naging Ina?!" sigaw ni Ellie sa akin.

"Hoy wag ka ngang OA! Di ako magpa buntis nu!" tumawa ako.

"Paano pag kasal na kayo. Diba mag ano na kayo niyan. Edi ma buntis ka!" si Louisse.

"Hoy kayo! May proteksyon ok?"

"Hay ewan ko sa inyo. Masyado kayong lolong sa lalaki"

At iniwan nila akong dalawa. At tuluyan ng lumabas. Agad kong kinuha ang bag ko at naglakad. Sa hallway. At sinilip ko ang classroom nila Kim. Half day pala sila ngayon hays. Na miss ko naman siya. Bukas naman ay ako naman ang half day. Siya naman ang whole day.

Don't worry Zaya. Magkikita pa rin kayo ok? Think positive. Mag focus ka mo na sa study ok?

Naglakad na ako patungong labas ng gate para umuwi na. At tumwid ako ng kalsada upang makasakay ng jeep. Medyo matagal-tagal akong naghintay rito pero bakit puno parati ang jeep. My gosh nasan ba kasi sila Ellie at Louisse sasabay nalang ako sa kanila. Panay hintay ko pero puno parin. Hays sana puno. Hahahaha nang biglang may huminto na sasakyan sa harapan ko. At alam ko kung sino iyon. Sasakya ni Momshie. Ibinaba ang salamin nito sa bintana. At bumungan sa akin ang malaki niyang ngiti. May kasama siyang babae na di ko kilala.

"Momshie!" ngiti ko at nagmano sa kanya.

"Sumakay kana rito anak." sabi niya.

"Po?"

"Sumakay kana. Ngayon kapa sa akin mahihiya? Sige na buksan mo na ang pinto ng backseat."

Sinunod ko naman iyon. Dahil nakakahiya kung tanggihan pa. Nasa tabi niya yung babae. At umandar na ang sasakyan.

May narinig akong may sinabi ang babae perp binaliwala ko lang iyon. Shempre magtatanong yon kong sino ako.

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now