Chapter 75

58 5 0
                                    


Panay ko parin inom. Ang iba ko namang mga kaibigan ay nakisali na rin don sa banda. Dahil ang ganda ng tugtog. Gusto ko lang mapag-isa. Nalapitan ako ni Kim pero tinaboy ko siya dahil gusto kong mapag-isa. I need some fresh air to breath. Masyado akong na stress sa mukha ni Daisy kanina. Malapit ko na ring maubos ang isang bote ng beer. Kaya nilagok ko nalang ito at inubos. Umiikot na rin ang paningin ko. Ito na yon lasing na ako shet. Ginusto ko to.

Naglakad akong papuntang pool. Pero may narinig akong nag wala doon sa may dance floor. At tumigil ang pag tugtog ng banda. Bumalik ako sa ulirat dahil narinig ko ang boses ni Mamay na nagwawala. Ito na nga ang iniisip ko eh. Ayaw na ayaw ko malasing siya ng todo dahil nagwawala ito. Mabilis akong tumakbo kahit naka-inom ako. Medyo nahimasmasan ako dahil sa Mamay ko. Pagkadating ko doon. Pinigilan siya ni Breah at Kim. Dahil si Kuya lasing na lasing na rin hindi na makatayo. Si Ate Zen naman ay umiiyak habang dala si Zianna na umiiyak rin. Panay tawag ni Ate kay Mamay.

"May tama na please!" umiiyak na sabi ni Ate. Habang pinapatahan niya si Zianna.

Nilapitan ko mo na si Ate.

"Ate pumasok ka mo na doon. Asan ba kasi ang Yaya?!" natataranta kong tanong.

"May emergency sa kanila kaya umuwi na rin. Puntahan mo si Mamay, Zay! Ipasok ko mo na tong si Bree!" nagmamadali si Ate na umalis.

Tumingin ako sa mga bisita. At mga kaibigan ko nasa gilid habang pinatahimik ni Kim at Breah si Mamay.

"Mama tama na po. Andami pong bisita nakakahiya po" si Breah habang nakahawak sa braso ni Mamay.

Si Kim naman ay sa kabila. Kaya dali dali akong dumalo sa kanila. At hinawakan ang mukha ni Mamay na sobrang pula na at may mga luha. Pati buhok niya ang gulo rin. Nasa sahig kami dahil naka upo na si Mamay sa sahig. Inayos ko ang buhok niya. At inalis ang mga luha. May beer pa rin siya sa kanyang kamay.

"Breah pakialis ng beer sa kamay ni Mamay" umiiyak na rin ako."May tayo kana May!" umiiyak kong sabi. At bumaling kay Kim."kami na nito love."

Tumango naman siya at tumayo. Pinapaalis niya ang ubang bisita.

"Ma tumayo kana!" si Breah. Na nanginginig ang boses.

Ang magulang naman ni Breah. Ay nag walk out. Paniguradong galit si Tita sa inasal ni Mamay. Ang mga Tita ko naman na kapatid ni Mamay ay di na rin makatayo dahil sa lasing. Kaya inalalayan ito ng iba kong mga kaibigan.

"Breah, papasukin mo na si Kuya sa kwarto. Ang lasing na niya. Ako na rito."

Tumango naman si Breah. At galit na galit na hinigit si Kuya.

"May tama na please. Tara na ho" humagohol na ako.

"Stop...you don't even know what is *hik* my problem! Leave me! *hik*" nagwawala na naman siya.

Mahigpit ko siyang niyakap.

"May parang awa niyo na. Tumigil na ho kayo..." nanginig ang boses ko.

"Umalis ka...rito!"

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now