Chapter 22

84 6 0
                                    

Kim's POV

"Keus....I mean Kim anak. Tumawag si Clyree sa akin kanina. Nagkasagutan raw kayo nong nakaraang araw" tanong ni Mommy habang kumakain kami sa hapag.

Malamig ko siyang tinitigan. At ngumuya.

"We're done tsaka wag mo na yang pansinin Mom"

"Anak but her parents is a friend of mine" nakakunot ang noo niyang sabi sa akin.

"Mom I said were done" mahinahon kong sabi pero may diin ito.

"Mommy tama naman si Kuya. May Ate Zaya na siya. Baka love na niya yon" tukso ng aking kapatid.

Tumikhim si Mommy."Ok pagsasabihan ko na lang siya" at bumuntong hininga.

Di na ako nag salita ulit. Hinayaan nalang namin ang mga kubyertos ang nag-iingay sa hapag. Panay buntong hininga ni Mommy. Sa tuwing nag-angat siya ng tingin sa akin.

Pagkatapos naming kumain ay umakyat na ako. At pumasok ng aking kwarto. Sinampa ko ang aking katawan sa higaan at binuksan ang cellphone ko at nag facebook. Tiningnan ko ang active lists ko pero di siya nag online? Active in 16 hours ago? Baka busy lang siya. Pero parati naman siyang ma online ah? Gabi-gabi pa. Pero ngayon di siya nag online? Nakakapanibago lang.....ano kayang nangyari doon? Tiningnan ko ang mga post niya. Kagabi pa naman iyon.

Namiss ko ang isang yon kahit isip bata iyon. Napangiti naman ako sa tuwing iniisip ko ang ngiti niyang mala anghel ang dating sa akin. Napaka inosente niyang ngumiti. Parang bata na walang ka muwang-muwang. Ilang araw na rin kaming hindi nagkita. Sana mag kita kami bukas.

Kaya chinat ko siya agad.

Ako: Hey, Zaya good evening! How's your day without me?

Biro ko at natatawa naman ako sa chinat ko sa kanya. Pero ilang minuto akong nag-antay na replyan niya ako pero wala pa. Wala paring green na nakalagay na online siya.

Kaya pumikit nalang mo na ako. At nakatulog.

Kinabukasan nagising ako sa alarm clock ko. Kaya bumangon ako at chenick ang cellphone ko kung nag reply na ba siya. Pero wala parin at di pa siya na online. Tumayo nalang ako at pumasok ng banyo para makaligo.

Sa school ko nalang siya kakausapin. At pupuntahan ko siya sa clasroom nila.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako ng hagdan at nadatnan ko na si Mom at Katey na nakaupo na sa hapag at hinintay ako.

"Good morning Mom!" humalik ako sa pisngi at ganon rin ang ginawa ko sa kapatid ko.

"Hmmmm...ang good mood ng baby ko" nakangisi pang sabi ni Mommy at may tuksong tingin pa.

"Stop that Mom!"

"Eh inspired kasi kay Ate Zaya, Mommy!" dagdag ni Katey.

Tumawa nalang ako. Pero panay parin tukso nila. Pagkatapos naming kumain ni Katey ay sumakay na kami sa sasakyan. Nasa gitna na kami ng byahe ngayon.

"Katey who's your boyfriend? Can you introduce him to Mommy or Daddy or me?" nakakunot noo kung tanong sa kanya.

Nagulat naman siya sa tanong ko at umawang ang bibig.

"I know you have a boyfriend but you keep it as a secret. I've seen your posts about your boyfriend a while ago"

Kumurap-kurap siyang nakatitig sa akin at napalunok.

"Kuya-"

"Come on tell me" hamon ko.

"But I don't want Mom and Dad get disappointed because of this Kuya. I know I'm still young but I love him so much. I'm sorry pls. don't tell this to Mom and Dad pls. let's keep this as a secret pls." pagmamakaawa niya.

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now