Chapter 47

73 3 0
                                    


Hinila nila ako. At halos madapa ako kakahila nila. Di man lang ako nakapag-paalam kay Kim. Shet talaga nila bwesit. Teka! Bakit ba kasi ako nag papahila sa kanila? Dahil lang kay William James Hernandez. Ang nanakit lang naman sa akin nuon. Ang hindi ako sinipot nong una naming pagkikita sana.

Pero ewan ko sa tadhana. Nong pumunta kamu kila Daisy. Tinutukso nila ako kay William. At nalaman rin ng Mommy niya na may namamgitan sa amin. Kaya ayon pinapasok ako sa bahay nila. At nag-usap kami sa huling pagkakataon. Pagkatapos non wala na. Dumating na sa buhay ko si Kim. Nong dati crush ko siya.

Di ko namalayan na nasa harap na kami ng isang classroom. Binawi ko ang kamay ko kay Ellie.

"Ooohhhh there he is...." malakas na tugon ni Louisse. Kaya napatingin naman banda sa amin si William. Ngumiti ito at pumunta sa kinaroroonan namin. Tinaas ko ang kilay ko."hey William dito ka pala mag-aaral. Di mo man lang sinabi?"

Nag cross arm ako at tumingin sa tabi-tabi. Kapag nakikita ko ang pagmumukha niya kumukulo ang dugo ko.

"Actually I am here because of a girl" sagot niya.

Napatingin ako sa kanya. At nagtagpo ang mga mata namin. Ngumiti siya pero pinandilatan ko lang siya.

"I have to go" at walang pag-alinlangan na tinalikuran silang lahat.

Pero pababa ako ng hagdan. Nagtagpo kami kami ng bebe ko.

"Love where have you been?" may bahid na pag-aalala ang boses nito. Nanatili akong nakatitig sa kanya at ngumuso."galit ka ba sa akin?" nakakunot ang noo niya.

"Ahmmm...." iniba ko naman ang ekspresyon ko. Baka masabi ko pa."hindi, di ko kasi mahanap ang classroom ko eh" nagkamot pa ako ng ulo.

"Ok sasamahan kita!" agad niyang hinawakan ang beywang ko. At nag simula na kamong maghanap.

Panay hanap naming dalawa sa classroom ko. Alam na kasi niya yung kanya. Classmate sila ni Daisy. Kaya kampante naman ako doon dahil may mag susumbong sa akin kapag may ginawa siyang kabulastugan.

Habang paikot² kami sa corridors upang mahanap ang classroom ko. Panay papicture ng mga girls sa kanya medyo natagalan kami.

"Are you ok?" tanong niya kasi tahimik ako.

"Yup, too tired. Ang laki kasi ng building nila" wala sa sariling sabi ko.

"Oh what section are love?" tanong niya ulit.

"Section Mercury" sagot ko.

"Oryt, ito na pala ang classroom mo" turo niya sa room 221.

Pagod akong ngumiti sa kanya."Ok love thanks sa paghatid" at akmang papasok ng classroom.

Hinawakan niya yung kamay ko dahilan kong bakit ako napahinto sa pagpasok. At pinagtitinginan kami ng mga estudyante.

"Ok ka lang ba talaga?" mahina niyang ani. At may pag-aalala sa mukha.

"Oo nga, medyo masama ang pakiramdam ko" dahil don kay William bwesit."oh baka mapagalitan ka ng teacher niyo"

Your Childish GirlfriendOn viuen les histories. Descobreix ara