Chapter 74

54 4 0
                                    


Nang dahil nandito na si Breah. Napaka ingay na namin. Naka 3 shots na rin ako. Shit sobrang tapang medyo nagihilo na rin ako. At ang ingay pa ng banda. May banda kasi dito sa resort pag gabi na. May mga bisita na nagsasayawan na. Nakita ko rin ang mga Tita ko at si Mamay sumayaw sa dance floor habang may beer na dala. Paktay lasing na si Mamay.

"Breah?" tawag ko sa kanya.

"Oh bakit?"

"Sinong nagbantay kay baby? Nasa dance floor si Mamay oh may hawak na beer. Si Kuya naman nasa barkada niya mukhang lasing rin." nag aalala kong tanong.

"Ano kaba nandon naman si Yaya"

Napanatag naman ang loob ko. At tumango na rin. Di ko matanggal ang mata ko kila Mamay. Dahil lasing na talaga siya.

"Hey what's bothering you?" bulong ni Kim.

"Si Mamay kasi sobrang lasing na oh" bumaling rin siya sa dance floor.

"Just enjoy ok? Let your Mamay enjoy too"

Di ko nalanh siya sinagot. Tumango lang ako at sumabat sa usapan ng mga kaibigan namin. Di ko parin maiwasang mag-aalala kay Mamay dahil sobrang lasing na nito. Di ko maiwasang mapatingin sa gawi niya. Alam kong madaming ng problemang dinadala ang aming pamilya. At naawa na rin ako kay Mamay.

Panay bigay nila sa akin ng inomin. Kaya nag-aalala na ring tumingin si Kim sa akin. Sumenyas siya na siya nalang ang iinom.

"Wag na unfair naman sa kanila." mahina kong bulong.

"Baka malasing ka..."

"Edi malasing" at tumawa ako.

Hinalikan niya ang pisngi ko pagkatapos kong uminom.

"Uy ano yan landian?!" bulaslas na naman ni Breah.

"Oo nga!" pagsang-ayon naman ni Louisse.

"Lou, kayo din naman ng boypren mo!" si Joanna

"Uy wag na tayong mag lokohan, tayo namang lahat may boyfriend!" si Reigna.

Tumawa kami lahat.

"Mag plano naman tayo. Gala tayo, nababagot na ako sa bahay." nakangusong ani ni Jiany. Habang ang kanyang boyfriend ay dikit na dikit sa kanya.

"Oo nga nu? Pero san naman tayo pupunta?" nakataas ang kilay ni Careanne.

Palihim akong natawa dahil lasing na ito. Ang pula na rin ng kanyang mukha. Sinaway naman ako ni Kim na natatawa na rin siya.

"Papayagan ka ba?" sarkastikong ani  Breah.

"Oo nga" si Ellie.

Siya rin naman di pinapayagan ng Mommy niya. Pinayagan lang siya ngayon dahil pinuntahan ni Breah ang Mommy niya. Iba talaga pag ikaw ang anak. To talagang si Ellie.

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now