Chapter 10

103 7 0
                                    

Natapos ang kainan namin ay nag sipasokan kami sa kwarto namin. Pagkapasok ko ay agad kong naisipan na sa kwarto mo na ako ni Mamay matutog. May itatanong lang ako. Kaya lumabas na ako ng kwarto ng hindi nag paalam kay Ate.

Kumatok mo na ako bago pumasok.

"Pasok" sabi ni Mamay kaya pumasok na ako."naparito ka?" tanong niya.

Naglilinis siya ng higaan niya.

"Aray!" humawak pa ako sa dibdib ko.

"Ano namang drama yan Zaya?"

"May I'm here to sleep with you" malambing kong sabi at niyakap ko siya.

"Tse! alam kong may kailangan ka" nagpumiglas pa siya.

"Eh alam mo naman pala eh" nauna pa akong humiga kay Mamay.

Umopo naman siya sa gilid ng hinigaan ko.

"May lakasan mo yung aircon" tumayo naman siya at nilakasan."yan gusto ko yan" tumatawa ko pang sabi.

Binatukan niya ako."Sobrang laki ng bayarin natin niyan. At may wifi pa"

"Eh bat mo nilakasan?" biro ko.

"O, edi hinaan ko" tatayo na sana siya pero pinigilan ko.

"Joke lang May heheheh"

"O, eh ano bat ka nandito sa kwarto ko aber?"

"Syempre para matulog"

"Edi matulog na tayo"

Pinigilan ko siya."Syempre joke lang yon May." inayos ko naman ang boses ko. Tumatawa naman si Mamay.

Ang sarap talaga pag nakita mo ang magulang mong sobrang saya dahil sayo. Pero nakakalungkot lang dahil hindi ko man lang napasaya si Papay kahit ni isa dahil di ko siya nakita sa personal.

"May" tawag ko.

"O, ano?"

"Di mo ba naisip na pabalikin si Papay dito sa atin?" ang masayahing mukha ni Mamay ay napalitan ng lungkot."I mean gusto ko kasing kompleto tayo May. Kompleto habang kumakain, magtawanan, kwentohan, at kompleto pagdating sa problema" bumangon ako sa pagkahiga ko at tumingin kay Mamay.

Yumuko naman siya at suminghot."Di pa ba ako sapat para inyo nak? Ginawa ko naman lahat para ipakita sa inyo na kompleto tayo kahit hindi" nanginginig ang boses ni Mamay.

"May di naman sa ganon" naawa ako kay Mamay pero kailangan ko tong sabihin."eh kasi nakita nila Ate at Kuya samantalang ako sa picture lang May. Kung di niyo po gustong makipagbalikan kay Papay. Ipakita niyo naman po ako sa kanya May" parang ma-iiyak na talaga ako.

"Anak di madali yang sinasabi mo. Pero susubokan ko para maging masaya ka lang" hinawakan ni Mamay ang balikat ko at malungkot na ngumiti.

"Pero May, meron parin akong tanong sa inyo. Bakit po Delfino yung last name ko samantalang kila Ate at Kuya naman ay Dy. Ang last name ni Papay yung ginamit nila?" tanong ko. Namutla naman si Mamay sa sinabi ko at nag alin-langan na sagotin ang tanong ko.

"Eh kasi diba nak......nong pinagbuntis kita ay hiwalay na kami ng Papay mo? Kaya nong pinanganak na kita last name ko ang pinagamit ko sayo dahil hiwalay na kami ng Papay mo" paliwanag niya.

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now