Chapter 72

57 5 0
                                    


Nandito parin si William. Kasama siya sa mga dadakip. At medyo busy na rin ako dahil ang dami ng nagpablind date. Buti nalang mapaka aktibo ng mga HUMSS. Agad nila itong mahuli. Pawis na pawis na ako ngayon. Dahil andaming nagpablind date sa harapan ko. At nalilito pa ako sa mga pangalan. Di ko alam kong sino ang uunahin dahil dinumog na ako.

Kaya naisipan kong mag cut off mo na. Para di naman masayadong mapapagod ang mga dadakip. Kaya nang nalista ko na yung panghuli. Naka-upo na rin ako sa wakas. At inayos ang aking sarili. Nag suklay ako at nag pulbo. Nang makita ko si Ellie tinawag ko ito.

"Ellie!" tawag ko. Pero busy siya kakadaldal don sa classmate namin na gwapo.

"Ellieonar!" malakas kong tawag.

Sa wakas napa baling siya sa akin. At padabog na nag martsa papunta sa gawi ko at sinamaan ako ng tingin.

"Tangina ka Zay! ayokong may makarinig sa boung pangalan ko!" nakanguso niyang ani.

"Eh sinusulat mo naman yan sa papel mo ah. Malalaman rin nila yon!" agap ko.

"Basta wag mo na akong tawagin sa buong pangalan ko!"

"Haha ok, ang OA mo! Porket nagka-usap kayo ni Lyle ang feeler mo na!"

"Bakit mo kasi ako tinawag ha?" namumula pa siya. At nag dalagang pilipina pa!

"Ikaw mo na dito. Magbibihis mo na ako ang basa kasi ng damit ko."

"Ok basta bilisan mo!"

Tinalikuran ko siya agad. At pumuntang CR. Buti nalang may dala akong extra t-shirt. Agad akong nag bihis at tinali ko ang buhok ko ng ponytail. At nag pulbo ulit at nag liptint ng kunti. Tapos nagpabango at lumabas na ng CR. Naka gray over sized v-shirt ako ngayon.

Nag lakad na ako patungong booth namin ngayon. Pagdating ko kausap parin ni Ellie si Lyle. Tumikhim mo na ako. Kaya napabaling sila sa akin.

"Antagal mo teh!" taray ni Ellie."ang blooming mo Zaya!"

"Tsss...tumugil ka nga! Alis na kayo ni Lyle baka wala ng magpablind date dito!" asar ko.

"Inggit ka lang!" tumalikod siya. At hinawakan ang braso ni Lyle.

Habang naglalakad sila papalayo. Napahawak ako sa dibdib ko at nanlaki ang mata. Wow! sila na ba? Hays ewan ko dito kay Ellieonar Vien Co. Anlandi talaga nito! Kakagigil tong kaibigan ko.

Umopo ako ulit at binilang ang pera. Nang biglang may nag strum ng guitar at may kumanta. Akala ko ay nasa kabilang booth iyon. Pero mas lalong lumakas ang togtog at yung paburito ko pang kanta.

Huminto ako sa pag bilang ng pera. At inangat ko ang aking tingin.Nanikip yung dibdib ko. At natigilan. Napakurap-kurap akong nakatingin sa taong kumanta sa harapan ko. May dala itong bouquet ng red roses. At may dalang malaking teddy bear na kulay pink. At kumanta. Ako yung may plano eh. Bat niya ako inunahan? May plano akong kausapin siya ngayon? Pero inunahan niya ako?!

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now