Chapter 50

78 4 0
                                    


Nang makapasok kami ni Kim. Nagulat ako dahil complete yung family nila. Kilala ko yung iba. Mommy ni Reigna. At mga kapatid ni Reigna yung iba hindi naman. Agad akong bumati sa kanila. At nagmano isa-isa. Panay ngiti ko.

Akala ko naman na masusugit. At ang mamaldita ng mga Tita ni Kim pero hindi naman. Nang makita naman ako ni Momshie ay agad niya akong niyakap. At tinanong na kami na ba talaga. Sinagot ko naman ng Oo at tumalon-talom pa.

At nalaman ko na Birthday pala ng Lola nila Kim. Yung Mommy ng Mommy niya. Kaya may dinner kasama ang pamilya ni Momshie at Daddy ni Kim. Malaki kasi yung table. Pinagdugtong-dugtong ito. Nasa pool are kasi ang dinner. Kaya ang sobrang saya. Panay pakilala ko sa mga kalatid ng Mommy ni Kim. At di ko na rin nakabisado ang ang mga pangalan nila. Dahil lahat sila inisa-isa ko. Napaka elegante rin manamit at sobrang bait. Hindi matapobre. At napaka smiling nilang lahat. Yung tilong welcome na welcome ka. Pati na rin ang Mamita nila.

Nasa hapag-kainan kami. At inihanda na ng mga maids ang pagkain sa table. Habang nakaupo kami lahat. Grabi ang daming handa. May mga bata rin na binibigyan ng mga sweets. Mga pinsan ni Kim. Ang cu-cute. Tumabi si Kim sa akin. Shempre pray mo na bago kain. Parang ako lang ang ma-iiba rito ah? Lahat sila magka-pamilya samantalang ako wala lang.

"Late ba ako?" napalingon kami lahat sa nagsalita. At naaninag kong si Reigna ito kasama mga kaibigan niya."ooohhh Zaya!" sigaw niya at pumunta siya sa akin at niyakap ako."I miss you"

Baliw nagkikita tayo kanina."Heheh I miss you too"

"Kailan kayo huling nagkita?" tanong nong Tita ni Kim.

"Kanina palang Ate hahahahha" sabi ni Reigna.

Humahalak-hak sila lahat. Kaya nakitawa naman ako. Kahit hindi naman nakakatawa. Weird people! Errrrrr.

"Ganyan talaga sila" bulong ni Kim.

Tumango ako. Ang saya ng dinner nila. Panay tawanan at kwentohan nila. Oo napaka elegante nila lahat pero kong maka asta mukhang ordinaryong tao lang.

Napakasaya ko ngayon dahil kilala ko na talaga ng lubusoan ang pamilya ni Kim. Panay tukso rin nila sa akin. At nakapag-usap kami ng Lola ni Kim. Grabe napaka jamming kausap. Mukhang dalaga ang Lola niya. At nalaman ko ring wala na ang Lolo nila dahil may sakit ito at maagang binawian ng buhay. Napaka ganda ng Lola ni Kim. Ang gandan ng smile. Inimbita pa nga ako na papuntahin sa mansyon nila. Umo'o naman ako dahil nakakahiya naman kong hindi diba?

"Hija, I like you, gusto kita sa apo ko" biglang nagseryuso ang Lola ni Kim.

"Hehehe thank you po Ma'am" nahihiya kong sabi.

"Shhh....don't call me Ma'am just Mamita" at sinulat niya pa sa ere.

"Napaka palabiro niyo po"

"Oo naman matanda na tayo kailangan smiling para hindi agad dumami ang wrinkles" sabay haplos sa mukha niya."napakaganda mong bata" hinawakan niya ang mukha ko."ang swerte ng apo ko sayo hija" ngumisi siya.

"Hindi po ako po yung swerte sa apo niyo" pagtatanggi ko.

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now