Chapter 7

150 11 0
                                    

Kumuha mo na ako ng juice sa kusina para kay Kim. Pagkatapos ay binigay ko na sa kanya.

"Salamat Zay"at pinagpatuloy niya ang usapan nila Kuya. Oo may pinag-usapan sila tungkol sa ML.

Biglang lumabas si Ate sa kwarto. At nanalaki ang mata na nakatingin kay Kim. Agad siya pumunta sa pintoan nang kwarto ni Mamay.

"May" kumatok siya."Mamay look who's here" sabi niya at lumabas agad si Mamay na nakapameywang na tumingin sa akin.

"Hi Tita" tumayo si Kim at nagmano sa kanya. Hilaw na ngumiti si Mamay sa kanya at tumingin agad sa akin at pinanlakihan ako ng mata.

"May si Kim nga po pala pamangkin ni Reigna yung kaibigan ko. Kaibigan ko rin siya hinatid niya ako" nawala naman ang galit sa mukha ni Mamay.

"Hijo nako, nag-abala ka pang ihatid ang anak ko. Kaya naman niyang umuwi mag-isa" baling ni Mamay kay Kim.

"Si Mommy kasi Tita gusto niya talagang ihatid si Zaya rito sa inyo"

"Nako hijo pakisabi na rin sa Mommy mo na thank you ha? At wag ka monang aalis. Magluto ako ng pananghalian dito kana kakain" at tumalikod na sa amin si Mamay upang pumunta ng kusina.


Nagpatuloy rin sa pag-uusap sila Kuya at Kim. At tumayo ang dalawa papunta sa kwarto ni Kuya. Kumunot naman yung noo ko. Wow parang ang tagal na nilang magka kilala ah. Umopo si ate sa tabi ko at kinalabit ako.


"Manliligaw mo yon no!!!" tukso niya sa akin at kinilig.


"What?! Ate Zen naman baka marinig ka ni Mamay. Hindi no magkaibigan lang kami!" giit ko sa kanya.


"Edi crush mo siya hahahaha" pumalakpak pa habang tumatawa.


"Ano?! never akong magka crush sa mayabang na yon"


"Wag kang mag salita ng patapos bunso" tumayo siya at kinurot ang mukha ko.


"Aray!" sabi ko. Umalis lang siya at pumasok sa kwarto niya.



Nanatili lang akong nakaupo sa sala at nanood ng TV na nakalutang. Di ko man lang naintindahan ang pinanood dahil lutang ako. Ginulo ko naman yung buhok ko. Di ka magkakagusto sa mayabang na Kim ok?. Diba si William lang ang gusto mo at kinababaliwan mo? tanong ko sa sarili ko.



Hay nako, bat ba ako nagka ganito. Eh loko yung si Kim wala akong paki sa kanya. At tsaka di ko naman siya magugustoan dzaaaa.




"Zaya nasan na yung bisita mo?" tanong ni Mamay sa akin na nakapameywang sa harapan ko.



"May, bwesita hindi bisita" sagot ko at tumayo para tawagin sila.



"Anong nangyari sayong bata ka? at anong bwesita ang tinutukoy mo aber?" lumingon ako sa kanya at tumawa.



"Wala" at pumunta sa kwarto ni Kuya na tumatawa.



"This is my room, why are you here?" agad na bungad ni Kuya sa akin.



"Alam ko yon Kuya, kakain na raw sabi Mamay"



Napangiti naman siya at tumayo silang dalawa ni Kim. Ginulo ni Kuya yung buhok ko at inakbayan. Lumabas na kami ng kwarto.



Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now