Chapter 69

60 5 0
                                    


Nakababa na ako ng jeep. Tumigil na rin sa pag buhos ang aking luha. At nakatulala akong naglakad patungo sa bahay. Para na akong nawalan ng pag-asa. Namumugto yung mata ko at nawalan ng gana sa lahat. Nakarating na rin ako sa harap ng aming bahay. Tiningnan ko yung pintoan at nagdalawang isip na pumasok.

Pero di nagtagal ay binuksan ko ito. At umupo sa sofa.

"Oh napa aga ka ata Zaya?" tanong ni Breah.

Habang isinasayaw ang anak niya. At pinadede niya. Nanganak na siya noong January 21. At sa Marso na siya babalik sa klase. Babae yung anak niya.

Di ko siya sinagot. Nakatingin lang ako sa kanya. Kaya napabaling siya sa akin. Laking gulat niya sa mukha ko. Agad siyang lumapit sa akin. Pabulong niyang tinawag si Kuya na kunin ang anak niya. Gulat rin si Kuya na nakatingin sa akin. Pero sinenyasan siya ni Breah na pumasok sa kwarto at sumunod naman siya dala ang pamangkin ko.

Naka-upo na si Breah sa gilid ko. At nag simula na namang tumulo ang luha ko. Hinagod ni Breah ang likod ko.

"Ano ba ang nangyari sayo Zaya?" may pag-aalala ang boses niya.

"Si Kim kasi ehh...." humagulhol na naman ako.

"Oh anong nangyari? Nong birthday mo umiiyak ka rin dahil sa kanya?"

"Eh kasi....nakita ko siyang may kahalikan sa CR." nanginginig yung boses ko at umiiyak.

"Ano?! Sino namang malanding babaeng yan ha?!" pagalit niyang sabi sa akin.

Tinakpan ko ang mukha ko dahil sa mga luha ko.

"Kilala mo siya Breah....at...kapag sinabi ko naman sayo...baka...baka mag away pa kayo...ayoko non!" ani ko habang humhikbi.

"Sino nga sabi eh!" malakas niyang sigaw at galit.

Natigilan naman ako at napa-angat ang mata sa kanya.

"Si....ano...si Daisy." pumiyok ang boses ko. At umiyak ng umiyak.

Sorry Daisy pero ansakit kasi ng ginawa mo sakin! Kaibigan mo ako. Tapos inahas mo ako! Wala kang kwentang kaibigan. Pinagkakatiwalaan pa naman kita. Alam kong may pagtingin ka kay Kim pero di ko iyon inisip dahil baka masira lang ang pagkakaibigan natin. Pero ikaw ang nag tulak para magkasiraan tayo.

"Ano!" sigaw niya at nanlaki ang mata."sigurado kaba sa nakita mo?" tumango ako."sinabi ko na nga ba eh. Na may gusto yan kay Kim noon pa! Ang ahas niya Zaya! Humanda yang babaeng yan sa akin!"

"Huwag na baka ma pano ka pa. Kakapanganak mo lang Breah..."

"Wala na akong paki doon!"

Natapos na kaming mag-usap ni Breah. Nasa kwarto na ako ngayon. Naka yakap sa aking tuhod. At tahimik na umiiyak. Bakit ang sakit? Ang sakit² siya pa yung naghanap ng iba? Kung alam ko lang na ganyan siya. Ewan ko ba kung bakit ang rupok ko.

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now