Chapter 40

81 6 0
                                    


Isang buwan at kalahati na rin. Pero nasa bahay lang talaga ako. Di parin kami nakapag communicate ni Kim. Sawa na siguro sa akin. Malapit na rin magpasokan. At sa ibang school na ako mag-aaral. Aaminin ko na namiss ko talaga siya. Di ko rin siya ma chat dahil nag deactivate siya. Lahat talaga ng account niya. Gusto kong pumunta kila Rena para makasilip man lang kay Kim. Pero di ako pinayagan ni Mamay dahil pinatulong niya ako sa karenderya. Gusto kong magwala dahil miss ko na talaga siya.

Kasalukuyan akong nakauopo sa sofa at katabi ko si Mamay na busy sa mga kung anong papel. Parang mga bills namin. Ay ewan ko ba.

"Zay nakapagpa-enroll kana ba?" biglang tanong ni Mamay.

"Di pa May" tipid kong sagot habang yung mata ko nasa TV.

"SCC kana lang, don naman gumraduate ang Ate Zen mo"

"May naman!"

Tumawa siya."Joke lang hahahah" at bumalik sa kanyang ginagawa.

Naisipan ko namang magpalaam na gagala mo na ako. Sa bahay ng mga kaibigan ko. Palihim akong ngumiti at nag salita.

"May....." malambing kong tugon.

"Oh ano?" tumaas ang kilay niya habang panay tingin sa mga papel.

"Pwedeng...." di niya ako pintapos.

"Di pwede, dito ka lang. Wag kang mag-aalala makakagala ka...kaya dito ka lang mo na. At magpa hinga"

"May ilang araw na akong nagpahinga!"

"Ay basta dito ka lang"

Umirap ako at sumimangot. Hay bat ba ganito si Mamay? Everytime na magpaalam ako sa kanya. Di niya ako pinayagan! Ano ba to. Nakakabagot nag mag mokmok rito nu!

Tumayo ako. Di pa nga ako nakahakbang pinigilan na naman niya ako.

"Op! san ka pupunta aber?" nakapameywang pa siya sa harapan ko.

"May sa kusina lang ako ok? Kakain lang ako...kalma lang!"

Humagalpak ng tawa si Mamay at umopo ulit.

Aba! tinawanan lang niya ako? Ano ba to si Mamay. Anong nakain niya? Napaka weird ng Mamay ko jusko!

Tahimik akong kumain sa kusina. At naisipan kong linggo pala ngayon. Ang bilis talaga ng panahon. Parang ilang araw lang ako nagbabakasyon ah? Di ko pa na enjoy ang summer ko. Ito namang si Mamay ayaw mag outing. Baka iitim raw siya. Tsee! arte² talaga!

Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko ang kinainan ko at pinuntahan si Mamay.

"May mag simba ako ngayon. Linggo pala ngayon" sensiro kong sabi.

Natitig lang siya sa akin. At parang nag dadalawang isip na payagan ako. Kumunot ang noo ko at nagsalita ulit.

"Pati pag simba May! ayaw niyo akong payagan jusmiyo naman!" sigaw ko at sinapo ang noo ko.

Nagulat si Mamay at nanlaki ang mata."Oh siya sige mag simba ka!" sigaw niya rin."sino ba kasi ang kasama mo?"

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now