Chapter 59

65 4 0
                                    


Kasulukuyan kaming naka sakay ng bus ngayon. Papunta sa bahay nila Lola.Magkatabi kami ni Ate at Mamay ngayon. Si Kuya lang at Breah ang nasa bahay namin ngayon. Napatingin ako sa view na nadaanan namin ang ganda pala. Walang mas maigaganda pa. Maganda naman ang Carcar City. Kahit City iyon may mga puno ka paring makikita pero iba rito sa bukid napakasarap ng hangin. Napapikit ako sa sarap ng hangin.

Napangiti naman ako dahil panay text ni Kim kanina sa akin. Di pala maka tiis ah? Hahahaha mas lalo kitang minahal kahit babaero ka. Sabi ko sa sarili ko. At palihim na natawa. Tinakpan ko ang bibig ko para di magtaka si Mamay. Pagkatapos kong tumawa ay huminga ako ng malalim. At nanatiling nakatingin sa bintana. Kamusta na kaya si Lola? Ok na ba siya? Di kasi ako nakapunta nong ma ospital siya. Dahil graduation ko iyon. Bumaling ako sa kanilang dalawa.

"May kamusta na po pala si Lola?" tanong ko. Dahilan kong bakit napalingon si Ate at Mamay sa akin.

"Ok na naman siya anak" nakangiti niyang sabi. At inabot ang kanyang kamay sa aking buhok at hinagod."bakit mo naitanong?" ngumiwi siya.

"Wala lang, namiss ko lang siya. Kahit pa noong last year ko pa siya nakilala." malungkot kong sabi.

"Di naman sa tagal magbabase yan Zaya. Mahal na mahal kaya ka ni Lola" sabat ni Ate.

"Ang swerte niyo nga Ate. Matagal mo na siyang kilala. Kayo ni Kuya, at nakikita ko rin na mahal na mahal niya kayo"

"Nako, anak mahal ka naman ng Lola mo." tumatawang sabi ni Mamay.

Tumingin ako pabalik sa bintana.

"Hays ewan ko May, parang di niya ako gusto."

"Feel mo lang iyan"

Huminga lang ako ng malalim. Oo na feel ko kasi na di ako gusto ni Lola. Or baka na nibago lang siya. Dahil last year pa niya ako na kilala. Or nandiri siya sa akin. Dahil anak ako sa labas ni Mamay. Mariin akong pumikit sa sakit na aking nararamdaman. At tinangay na ng antok.

"Zay! Bangon na nandito na tayo." pukaw ni Ate sa akin.

Kaya tumayo na rin ako. At inayos ang aking sarili. Tsaka kinuha ang bag na nilalagyan ng maga damit ko. Natawa si Ate sa akin. At kumunot ang aking noo. Baliw talaga!

Nang makababa na kami ng bus. Ay napangiti si Mamay sa amin. At sabay kaming naglakad papasok sa isang iskinita. Papuntang bahay nila Lola. Gawa ito sa semento.

"Di parin nagbago May ano?" panimula ni Ate.

Pero ako panay libot ng mata ko sa mga bahay. Wow! maganda ang mga bahay. Nakita ko na ito last year pero di pa gaano karaming bahay. Para siyang subdivision pero wala namang guard na nakabantay. Pero shit andaming mga mansyon. Kadalasan kasi sa mga mamayaman ay gustong malayo sa lungsod tumira para hindi polluted.

Andaming pinag-uusapan nila pero di ako nakikinig. Panay tingin ko lang sa mga bahay. Nang biglang may bumusinang sasakyan sa likod namin. Isang pick-up Van. Bumaling ako kay Mamay. Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa sasakyan. At bigla itong bumukas. At tumambad aa amin si Tita Helen. Napangiti naman si Mamay. At dinaluhan si Tita. Sumunld naman kami.

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now