Chapter 38

74 6 0
                                    


Pumunta na ang mga kaibigan ko sa inuopoan ng mga kaibigan ni Ate. Aalis na sana ako at iwan si Kim dahil di siya tumayo. Nanatili parin siyang nakaupo. Biglang niyang hinawakan ang braso ko.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo Zaya?" may diin niyang sabi. At kita rin sa mata niya ang galit.

"Ano ba!" binawi ko ang braso ko."close ba tayo ha?! Nagkaka-ayos na ba tayo? Di ba hindi! Sa nalalaman ko si Mamay lang ang napatawad ko!" sigaw ko sa mukha niya.

"Zaya pls." pagmamakaawa niya.

"Don ka sa Clyree mo. Diba siya naman ANG GUSTO NG PAMILYA MO!" sigaw ko at tinalikoran ko siya.

Sa mga sinasabi ko. Walang halong joke yon. Naiirita na talaga ako sa kanya. Nakakainis.

Agad akong umopo sa tabi ni Henrich. At di naman ako nagulat ng sumunod si Kim sa akin. At umopo sa gilid ni Reigna na kaharap ko.

Tumingin siya sa akin. Pero inirapan ko lang siya. Busy rin kasi ang mga kaibigan ko sa pakikipag-usap sa mga kaibigan ni Ate. Kaya di nila kami napansin. Nakita kong binigyan siya ng isang basong alak ng kaibigan ni Ate. At agad niya itong nilagok na walang kahirap-hirap. Sinamaan ko siya ng tungin.

Sige magpakalasing kang boang ka! Papansin! sarap batukan.

"Zaya umiinom ka ba?" tanong ni Henrich sa akin. Kaya napabaling ako sa kanya.

Sasagot na sana ako ng biglang nag salita si Kim.

"Di siya umiinom. Ako nalang ang tutubos" seryuso niyang sabi. Habang mariing nakatingin sa akin.

Hindi ako nakapagsalita. At umawang lang ang bibig kong nakatitig sa kanya. Baliw ka talaga! Bahala ka sa buhay mo!

Panay lagok niya ng alak. Dahil ang bilis nilang magpaikot nga baso. Medyo may tama na rin ang lahat. Ako lang ang matino rito dahil hindi ako pinainom ni Kim. Alas 12 na rin kasi ng gabi. Panay paring kanta nila. At nag siuwian na rin ang mga bisita ni Mamay.

Nauna na ring natulog si Mamay. At kami nalang ng mga kaibigan ko at kaibigan ni Ate ang nandito sa labas. Panay tawanan ng lahat. At nag-aminan ng mga crush. Sumabay lang ako sa mga trip nila.

Nang tumingin ang mga kaibigan ni Ate sa akin. Biglang nila kaming tinukso ni Henrich.

"Ano na Henrich? Pormahan mo na. Wala pa namang boyfriend yang kapatid ni Zenaya"

Bigla akong inakbayan ni Henrich. Nanlaki ang mata ko. Baka anong gagawin ni Kim. Tumingin ako sa kanya. Mahigpit niyang hinawakan ang baso. At galit na galit na nakatingin sa amin.

"Ang gandan mo talaga Zaya" kimurot ni Henrich ang pisngi ko.

"Mga magaganda at gwapo talaga ang lahi namin!" pagmamalaki ni Ate at may tama na rin ito.

Ngumiti si Henrich sa akin. Habang nakatingin kami sa isa't-isa. Bigla niyang inilapit ang mukha niya sa noo ko. At nag hiyawan ang lahat.

Nang bigla ako hinigit ni Kim patayo. At walang ni isang salita na lumabas a bibig niya. Sinaway siya ni Reigna pero di niya tiningnan.

"Ano bang problema mo? Kanina pa kita nakikitang masama ang tingin sa akin. Sabihin mo sa akin!" sigaa ni Henrich.

"Problema ko? Si Zaya lang naman na inaakbayan mo sa harapan ko" galit ring sabi ni Kim.

"Oooppss guys tama na!" pumagitna si Ate.

Humakbang si Henrich papalapit kay Kim. Kaya hinawakan ito ng mga kaibigan niya.

"Bakit, girlfriend mo ba siya? Ang pagkakaalam ko bro. WALA SIYANG BOYFRIEND!" sigaw ni Henrich.

"Oo di niya ako boyfriend pero nililigawan ko siya!"

"Liligawan ko siya!"

At nagulat ako ng biglang sinuntok ni Henrich si Kim. Susuntok rin sana si Kim kay Henrich pero pumagitna ako.

"Ano ba! Umuwi na kayo! Mga bwesit kayo! Putangina! Ako pa talaga ang pag-aagawan niyo mga gago! Piste!" malakas na sigaw ko."wala akong sasagutin sa inyo!"

Biglang dumating si Breah kasama si Kuya. Pero agad akong nag walk out at pumasok sa bahay namin. Nang nasa tapat ako ng pintoan. Tiningnan ko sila. At nag salita.

"Ayoko ko ng makita ang pagmumukha niyong dalawa!" sigaw ko.

Agad akong umopo sa sofa. Bwesit sila pinag-aagawan pa talaga ako nila ha? Ang ganda ko pala? Bahala sila sa buhay nila ayoko ko na. Nakakapagod silang panoorin.

Biglang bumukas ang pintoan at pumasok si Ate at mga kaibigan ko. Sinenyasan ako ni Ate na papasok na siya ng kwarto. Tumango lang ako. At bumaling sa mga kaibigan ko.

"Uwi na kami Zay" sabi nila.

"Zaya pasensya kana sa pamangkin ko. Ang dami niya kasi nainom. Di ko alam ko bakit siya nagka ganon" sambit ni Reigna.

"Kasalanan ko rin kasi...kung di sana ako pumatol kay Henrich di sana ganito. Eh kasi gusto ko siyang makitang mag selos" ngumiwi ako.

"HAHAHAHAHA" tumawa sila lahat.

Magsasalita na sana ako. Nang biglang pumasok si Kim.

"Lalabas na kami Zay. At uuwi na rin...pakisabi kay Tita at sa Kuya mo na salamat" sabi ni Daisy at lumabas na sila agad.

Lumapit si Kim sa akin. Di siya umopo. Nakatayo lang siya sa harapan ko. At may luhang namumuo sa mata niya.

Naawa ako sa kanya. Gusto ko siyang yakapin at sabihing ginawa ko lang iyon dahil gusto ko siyang pag selosin. Pero wag nalang baka sabihin niya napaka desperada ko.

Bigla siyang lumuhod sa harapan ko. At hinawakan ang kamay ko. Umiyak siya sa kamay ko.

"Zay I'm so sorry hindi na mauulit" humihikbi niya pang sabi.

Pimatayo ko siya."Kim umuwi kana pls. lasing ka lang."

"Hindi ako lasing Zaya. Mahal na mahal kita....ayaw kong maagaw ka sa iba. Matagal ko na itong pinag-iisipan Zaya. Matagal na akong may pagtingin sayo. Kahit pa nong kamo pa ni Raelena"

"Kim umuwi kana" hinawakan ko ang polo niya. At tuluyan napalabas.

Agad kong sinara ang pintoan. At umiyak. Ano ba? Bat ako umiiyak? Eh kasalanan ko naman lahat bat nagkaganito. Kung sana di ko pinatulan si Henrich di sana ganito. At kong hindi pinag-seselos si Kim. Wala sanang suntokan na nagaganap.

Ayoko ko siyang umalis. Pero may part sa akin na paalisin siya. Nakakalito na rin kasi tong sarili ko. Pag nandyan siya naiirita ako. Kapag wala naman ay nalulungkot ako. Gusto ko mang sabihin sa kanya na gusto ko rin siya. Pero alam niya naman yon matagal na.

Napaupo ako sa sofa at tahimik na umiiyak. Mahal ko siya pero naiinis ako dahil para kasing pinaglalaroan niya ako. Di sa, di ko siya pinagkakatiwalaan pero parang ganon na rin iyon. Sinasabi rin kasi ng mga kaibigan ko nag mag-ingat at wag masyadong ma inlove kung hindi pa kayo baka ako lang daw ang masasaktan. Sabi naman ni Reigna na di ganong klasi si Kim na pag na fall ang babae. Iiwan agad pero di ko rin mapigilan mag isip.

Inalis ko ang mga luha ko at tumayo. Pumasok na ako sa kwarto ko. At nakita ko si Ate na mahimbing na natutulog. Umakyat ako sa higaan ko at humiga.

Seryuso ba talaga siya sa akin? As in? Para naman malaman ko na sincere siya sa mga sinasabi ko. Tatanongin ko siya kapag nagkita kami ulit. Mahal na mahal ko siya pero di ako magpadalos-dalos baka masaktan na naman ako. Katulad nong kay William. Nakakapagod ng masaktan ng husto.

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now