Chapter 56

62 4 0
                                    

Hindi ko alam kong ano ang mararamdaman ko habang papalapit ako sa kanila. Nanlamig ang buong katawan ko. At nanginginig na naglalakad patungo sa kanila. Panay lunok ko dahil parang may nagbabara sa aking lalamunan. At ng makalapit ako sa kanila.

Nanatili siyang nakapamulsa at tumitingin sa aking mata. Wala siyang ekspresyon.....Pinagpawisan ako!

"It looks like, you're having a happy time with him" umiiling niyang sambit at tumawa.

"No! Love." hinawakan ko ang braso niya pero baliwala lang niya."siya yung lumapit" paglalambing ko.

"Hindi ako bulag Zaya." mahina pero may diin niyang sabi. Para akong naiiyak at binitiwan ang braso niya."hmmm...first love mo pala" at umiwas siya ng tingin.

"Love I'm sorry"

"Tsss..." tumingin siya sa akin at namula ang mata niya."We will go now. Sana hindi nalang ako pumunta rito. Ito lang pala ang makikita ko!" singhal niya."let's go Daisy" hinigit niya ang braso ni Daisy at tinalikoran nila akong nakatulala.

Ibinagsak ko ang aking balikat. At sinabunotan ang sarili sa inis. Tumulo ang luha ko. At agad ko naman itong pinunasan.

Wala ba siyang tiwala sa akin? Grabi naman. Ganon ba ang tingin niya sa akin? Akala ko ba ay may tiwala siya aa akin? Eh siya nga eh kahit ilang babae ang umaaligid sa kanya. Nag seselos ba ako? Ayy oo nag seselos ako pero di ko pinapahalata sa kaniya.

Bumalik ako sa bench at umopo. Doon ko ibinuhos ang sakit. Iyak ako ng iyak sa aking tuhod. Ganon nalang? Na aalis siya ng hindi kami nagkakaayos? Grabi naman ansaket. Kung nasasaktan siya. Mas nasasaktan ako ngayon! Umaalis siya kasama ng kaibigan ko? How pathetic! Halos araw-araw silang nagsasama. Pero may tiwala naman ako sa kaibigan ko. Pero di ko parin maiwasan mag selos nu!

"Anong sinisimangot mo jan Zaya?" tanong ni Ellie sa akin.

Nasa parade na kami ngayon. Kasama kasi lahat ng HUMSS. Kaya nakasama ko si Louisse at Ellie dahil HUMSS rin sila. Het ako nakasimangot parang nabagsakan ng langit.

"Oo nga Zay kanina ka pa!" pinandilatan ako ni Louisse.

Pinandilatan ko sila. At di sumangot. Nakabusangot lang ang mukha ko. Kasama na naman niya si Daisy hays. Talak parin sila ng talak sa akin pero walang ni isang salita na lumalabas sa bibig ko. Bad mood talaga ako ngayon. Wala akong gana makipag-usap! Hanggang sa natahimik na rin sila at hindi na ako tinanong pa.

Habang nag-iingay ang iba. Dahil parade ngayon. Ito ako nakabusangot at wala sa sarili. Naglalakad na may hawak na lubo na nakasimangot. Gusto ko nang umuwi!!!! Ayoko ko na gusto kung magkulong nalang aa bahay. Bakit ba kasi lapit ng lapit ai William sa akin? Nakakinis siya! And speaking of William. Nakangising huminto. Para makasabay sa akin. Inirapan ko lang siya. Nanlaki naman ang mata niya at umawang ang bibig.

"Hey!" habol niya sa akin. Dahil ang bilis ng lakad ko. Nasaan na ba kasi sila Louisse? Nang iwan kasi! Buset. Sumasabay siya aking paglalakad.

"Bat ka nagmamadali?" tanong ng mokong.

Lumingon ako sa kanya. At matalim na tinitingnan."Pwede ba! Lubayan mo na ako! May boyfriend na ako William!" sigaw ko.

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now