Chapter 32

88 5 0
                                    


Nasa bahay na ako nila Breah ngayon. At kasalukuyang ginamot ng Mommy niya ang mga pasa at sugat ko. Fresh parin sa isipan ko ang nangyari kanina. Pinuntahan rin ako ni Papay at mga kapatid niya rito. At pinapahiya ako ng mga kapatid niya. Si Kuya naman at Ate ay di makapaniwala sa ginawa ko kay Clyree. Alam kong galit rin sila. Dahil kay Kim ay nagawa kong manakit ng iba. Si Papay naman ay handa niya raw akong supportahan kong anomang ihahatol na Mommy ni Clyree sa akin. Tinawagan rin nila si Mamay at uuwi na siya bukas. Gustohin ko mang umuwi sa amin ngayon pero baka puro insulto lang ang matanggap ko roon. Kaya dito lang mo na ako ngayon. Gusto rin naman ni Tita Breanna na nandito ako.

Panay tulo ang luha ko sa mga nagawa kong kasalanan. Lahat ng pamilya ko ay kinamuhian ako. Ni lait at ininsulto ako. Kinakalaban ko raw ang makapangyarihan. Sana inaalala ko raw na nasa baba lang kami. Dapat di nalang daw ako pumatol. Di nila alam kong ano ang dinanas ko sa kamay ni Clyree kanina. Pati si Kim ay nangingialam rin. Galit na galit rin siya. Di alam kong ano ang gagawin ko ngayon. Kung uuwi ba ako or manatili rito kila Tita Breannna na di ko ka ano-ano.

Malakas akong bumuntong hininga. Habang nakatitig kay Tita Breannna na ginagamot ang sugat ko. Hating gabi na rin kasi. At nakakahiya ng dahil sa akin gising parin sila Tito Damyan at Tita. Nasa tabi ko si Breah may ka text.

"Tita pasensya na po sa gulong ginawa ko. Pati kayo nadamay po" nahihiya kong tugon.

"Nako, Zaya napakatalik niyong magkaibigan ni Breah. Parang anak na rin kita. Kahit na ngayon lang tayo nagkita. Pero madalas naman tayong mag usap sa VC eh" sabi ni Tita.

Na may awa sa mata niya. Mas lalo akong humikbi. Agad naman siyang tumayo at niyakap ako.

"Maraming salamat Tita" humagulhol kong sabi habang yakap ko siya.

"Sali na rin ako!" sabi ni Breah at niyakap rin ako."don't worry siszt I'm always here for you. We're sisters, not in blood but in our hearts"

Mas lalo akong umiyak dahil sa sinabi ni Breah.

Pagkatapos gamutin ni Tita yung sugat ko ay umakyat na kaming dalawa ni Breah sa kaniyang kwarto. Ang Mommy naman niya ay pumasok sa kwarto ng Daddy niya. Bago kami makapasok ay lumapit ang Daddy ni Breah sa amin. At ngumiti sa akin.

"Dada akala ko tulog kana?" tanong ni Breah sa ama niya.

"Kinulit ako ng kapatid mong si Breanly at Damen sa kwarto ng Mama mo"

"Ahm ok, pasok na po kami Da"

"Wait ok kana ba Zaya?" baling ni Tito sa akin.

"Medyo po Tito" nahihiya kong sagot.

"Don't worry, dito kana mag stay ok? Based in my observation in your family parang lahat sila galit sa iyo"

"Talaga Da? Dito si Zaya?" si Breah ang sumagot. Tumango naman ang Dada niya.

Lumapit ako kay Tito Damyan at yumakap."Thank talaga ng marami sa inyo Tito Damyan" hinaplos naman niya ang ulo ko.

"Walang anoman, parang anak na rin kita"

Dumalo naman si Breah sa amin ni Tito. At yumakap rin.

Kahit papaanoy gumaan ang pakiramdam ko dahil sa pamilya ni Breah na mahal rin ako. Pagkatapos naming mag yakapan ay pumasok na kami sa kwarto ni Breah. At agad kong hiniga ang katawan ko sa malambot na kama ni Breah at tumingin sa kisame. Si Breah naman ay panay kulikot ng phone niya. Alam kong si Kuya ang ka text niya kaya di ko nalang inisturbo.

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now