Chapter 53

64 4 0
                                    


IT'S MY LOVES BIRTHDAY! Alas 5 na ng hapon ngayon. At tapos na rin akong naligo. Alas 6 y media pa naman mag start ang Birthday party niya. Di ko siya tinext para mag greet. I want to surprise him. Nag text siya pero di ko man lang nireplyan. Tumawag siya di ko sinagot. Kahit nangangati ang kamay kong replyan at sagotin ang mga tawag niya. Pero tiniis ko. Para surpresahin siya.

Panay hanap ko ng masusuot ko. Hays ano ba talaga ang susuotin ko? Alam kong pormal ito. Mayayaman ang mga bisita. Mag dress nalang kaya ako? Pero anong dress naman? Ayyy nako bwesit naman to oh. What if mag jeans nalang ako? Hala! Baka ako lang ang maiiba.

"May!" tawag ko kay Mamay. Para magpatulong kong ano ang susuotin ko.

Pumasok siya agad at nakakunot ang noo.

"May tulongan niyo po ako. Kung ano ang susuotin ko pls." nag puppy eyes ako.

"Mag whole dress ka easy!" nakapameywang niya sagot at umopo sa kama.

"Mag jeans lang kaya ako nu?"

"Hoy tanga! Alam mong mayaman ang boypren mo! Sigurado akong mayayaman ang mga bisita nila. Tas mag jeans ka lang? Hay nako Zaya wag mong pahiyain ang iyong sarili!" sermon ni Mamay sa akin.

Ngumuso naman ako."To naman si Mamay. Sige nga! Mag dress ako...pero anong dress May?" nag kamot ako ng ulo.

Tumayo siya at umismid."Tabi ka jan!"

Kaya tumabi naman ako. At hinayaan ko si Mamay ang mag hanap ng susuotin kong dress.

Itinapon ni Mamay ang kukay peach na off-shoulder na dress sa mukha ko. Yung tipong iikot ka para kang si Cinderella. At kung susuotin mo ito kita ang tuhod mo.

"May ayoko nito!" ngumuso ako.

"Hay nako wag kang pumunta!" at nag walk siya.

Hays susuotin ko na nga. Sinuot ko ito at tiningnan ang sarili sa salamin. Ok naman siya. Kumintab ang maputi kong balat.

Nag-isip naman ako kung ano ang susuotin para sa aking napakagandang paa. Habang nakatitig sa salamin. Suede na sandals kulay itim hmmm.

Kinuha ko ito at sinout. Hala perfect kahit 2 inches lang ang takong nito. Agad kong sinuklay ang buhok ko. At nilagyan ng maliit na hairclip na ribon kulay peach rin. Hehehe ang cute ko. Nilagyan ko ng liptint ang labi ko. At ang pisngi konti lang sa pisngi para mamula naman kahit konti ang putla kasi. At yung talukap ko nilagyan ko rin ng konti. Tapos nag pose ako sa salamin. Shet! ang ganda ko naman! Hmm. pak! pak! hahahah. Tapos kinuha ko yung paper bag na ang laman ay yung gift ko at love letter ko para sa Love ko. Pagkatapos ay kinuha ko ang sling bag ko. Na maliit kulay itim, infairness channel ito! Regalo ni Tita Breanna.

At lumabas ako ng kwarto. Nakita ko si Breah sa sala na nakasimangot habang pinanood ako.

"Di ako pinayagan ng Kuya mong mayabang!" giit niya agad.

"Tsss. buntis ka ok?" tumawa ako.

Panay daldal niya. Pero pinuntahan ko agad si Mamay sa kusina para makapag-paalam. Pinuri niya namana ko dahil ang ganda ko raw. Heheheh. ene be te si Memey metegel ne ekeng megende. Hahahaha.

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now