Chapter 87

53 3 0
                                    


Natapos ang araw na iyon na di ko man lang nasabi kay Kim. Na buntis ako, gusto kong sabihin sa kanya kapag birthday niya. Ito na rin kasi ang Birthday gift ko. Para naman ma surprise siya, siya ang may ari nito nu! Ipinasok niya lang sa matres ko kaya nabou. Shempre gusto niyang magka-anak, nabanggit rin niya iyon minsan. Kaya ito na. Buntis ma talaga ako tanginang Kim! Masyadong nagmamadali.

Pero di ko pa rin maiwasang mangamba sa kalabasan nitong pinaggagawa namin. Di ko alam kong ano ang gagawin ni Lola sa akin. Nag expect pa naman siya makapagtapos ako. Pero makapagtapos naman ako diba? Kahit buntis ako? Pero ano nalang ang kanyang sasabihin? Insulto na naman ang matatanggap ko nito. Paano kong di ako matanggap ni Mamay? Ok lang kong si Kuya ang nakabuntis dahil lalaki siya. Pero ako? Nganga. Kasalanan to naming dalawa ni Kim. Dahil di man lang kami nag-iisip.

Di ko man lang napansin na sobrang bilis na ng panahon. Dahil mas lalong dumami ang school works namin. Halos wala na kaming tulog ni Breah. At sinabayan pa ng Research namin. Nagsusuka pa rin ako. Kaya mas lalong nakabantay si Breah sa akin. At tumutuong rin siya sa akin. Kagaya ng ginawa ko sa kanya nong buntis pa siya. Buti nalang nandito si Breah. Kung wala di ko alam ang gagawin ko. Kong kakayanin ko pa ito.

"May sinabi po pala ni Kim, na invited kayo sa Birthday niya. Gusto niya na pupunta tayo lahat sa Birthday niya." sabi ko kay Mamay. Na ngayon ay busy sa paglilinis.

Weekend ngayon kaya wala kaming pasok ngayon ni Breah. Nasa gilid ko naman ko naman si Breah, buhat si Bree. Dahil wala ang Yaya nito.

"Ano?!"gulat pa siya. At hininto ang kanyang ginawa at tumingin sa amin ni Breah."ayoko! nakakahiya Zaya. Alam kong mayayaman ang mga bisita nila. Kayo nalang ni Breah, ako nalang ang magbabantay ni baby Bree." at bumalik siya sa paglilinis.

"May, Kim will send an invitation. At tsaka si Momshie ang nagsasabi non May. Nakakahiya naman kong tanggihan mo."

"Alam mong hindi ako mahilig sa ganyan!" lumakas ang boses niya. Habang panay mop sa sahig namin.

"Breah, di sinabihan ka rin ni Kim? Diba?"

"Oo Mama, punta tayo!" si Breah habang isinasayaw ang kanyang anak.

Bumuntong hininga si Mamay. At nilingon kami. Umismid mo na siya.

"Kayo nalang!" pagod niyang sagot.

"Pero May naman, kayo ang mag explain sa Mommy ni Kim."

"Ano?! Oh siya sige pupunta na ako."

"Talaga May? Yey!"

Napatayo ako at niyakap siya.

"Oh sige na, maglilinis pa ako Zaya!" sigaw niya kaya.

Kumalas nalang ako. At sinamaan siya ng tingin at bumalik sa sa pagka-upo.

"So Zaya, sasabihin mo rin sa Mamay mo? Sa mismong party ni Kim?" mahina niyang tanong. At pinadede ang kanyang anak.

Your Childish GirlfriendHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin