Chapter 37

72 5 0
                                    


Umaga na. At nandito na ako sa amin. Umuwi kasi ako rito kagabi. Si Breah naman ay umuwi na rin sa kanila dahil sinundo siya ni Tito at Tita at hinatid pa nila kami rito sa amin. Close na rin sila ni Mamay. At napakasaya ko.

Agad akong bumangon at bumaba ako sa hagdanan ng aking kama at tiningnan sa baba ko nandon pa ba si Ate pero wala na. Nasaan siya?

Lumabas ako ng kwarto at nanlaki ang mata ko. Dahil ang kinis ng buong bahay namin at pinalitan ang mga kurtina. At ang busy nila Mamay sa kusina. Ano ba ang meron ngayon? Nagkamot ako ng ulo. At pinuntahan sila sa kusina.

"May anong meron ngayon?" tanong ko.

"Hala bunso magtatampo si Kuya niyan" sabi ni Ate habang nagtadtad ng sibuyas.

"Ano ba kasi-" di ako natapos.

"Birthday ng Kuya mo ngayon!" sigaw ni Mamau at tumayo. Habang pinunasan ang pawis dahil kakaluto.

"Hala oo nga pala May...nasaan siya ngayon?"

"San pa nga, kasama girlfriend niya at namasyal...hali ka at tulongan mo ako rito. At sabihan ko ang mga kaibigan mo na pumunta rito ngayong hapon!" at nagpatuloy si Mamay sa kanyang ginawa.

Agad akong tumulong. At naki pag kwentohan kila Mamay. Habang tumutulong.

Naluto na namin lahat. At inihanda na namin ang kain lamesa. Ang daming handa. May pa letchon pa silang nalalaman. Hmmm, mayaman kaya kami hahahha. Pag bukas ko ng ref ang dami ring salad. Bigla akong nagutom at kumuha sana ng isa. Nang biglang nag salita si Mamay.

"Sinabihan mo na ang mga kaibigan mo Zaya?"

"Opo May" at dahan-dahang sinara ang ref. Tumango lang siya at lumabas.

Alas 3 na ng hapon. Pero wala pa ang mga kaibigan ko at ang nag birthday. Humiga ako sa sofa. At pinikit ang mata ko. Ang sarap ng aircon dahil ang lakas nito. Kaya di ko namalayan na nakatulog ako.

May naramdaman akong may humaplos sa aking buhok. Pero di ko yon pinansin. Natulog ulit ako. Pero di kalunan may narinig akong may kumanta sa labas. At sobrang ingay na. Agad kong binuka ang mata ko.

At nagulat ako dahil may lalaki na umopo sa gilid ko habang nanood ng TV. Kahit ang ingay ng videoki. Bumangon ako at kinusot ang mata ko. At tsaka tumayo at humikab. Paglingon ko sa lalaki ay natigilan ako at naestatuwa.

"Kim!...ka-kanina ka pa..ba?" nauutal kong sabi.

"Oo" nakangiti niyang tugon.

Agad akong tumakbo patungo sa kwarto ko. Dahil na-alala ko na wala pa akong ligo at suklay. Agad akong pumasok ng banyo at naligo tsaka nagbihis. Nag short ako para mainlove naman siya hmmm. Tsaka naka oversize shirt na kulay itim. At denim short. Para akong naka t-shirt lang dahil sa ikli ng short ko.

Nakangisi ako. Habang tiningnan ang sarili ko sa salamin. Hmmm, tingnan natin kong hindi ka maiinlove. Nagpa bango ako sa pabango na ibinigay niya sa akin. At lumabas.

Nang makalapit ako sa kanya. Ay tiningnan niya ako mula paa hanggang mukha. Kinikilig pa ako. Pero napawi ito dahil walang expresyon ang mukha niya.

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now