Chapter 1

450 15 0
                                    


Zaya's POV

"Miss Delfino are you listening?" napatalon ako dahil binanggit ang pangalan ko sa guro namin. Inangat ko naman ang ulo ko at tumingin sa kanya."are you listening?" ulit na tanong niya at tinaasan ako ng kilay.

"Ahhh, yes Ma'am" pagsisingungaling ko kahit wala naman akong naintindihan.

"Ok what is Percentile?" pinanliitan niya ako ng mata.

Nagkamot naman ako ng ulo."Di ko po alam Ma'am hehehehe" lumingon ako sa tropa ko. At nagtawanan lang sila.

"Get out!" nanlaki naman ang mata ko."I said get out!" ulit naman niya kaya lumabas na ako at tumayo sa labas.

Patay! ma office ka na naman niyan Zaya ang tanga tanga mo talaga ang bobo mo pa. Nagkamot ako ng ulo. Natapos ang kanyang discussion ay lumabas na siya at matalim akong tinitigan.

"Follow me Miss Delfino" pinanliitan niya ako ng mata at tumalikod na.

Susunod sana ako sa kanya ng biglang mag salita ang kaibigan kong si Breah.

"May sasabihin ako sayo" humarap ako sa kanya. At sinamaan ko ng tingin."what? may nagawa ba akong mali?"

"Mamaya na may pag uusapan pa kami ni Ma'am" umirap ako at naglakad.

Hinabol niya ako."Wait ano ba Breah? papagalitan na naman ako nito dahil ang tagal ko!" sigaw ko sa kanya.

Binitawan niya ako."Ok ito naman ang high blood"

Agad akong naglakad para makarating agad sa office ni Ma'am. Pagka bukas ko ng pinto na datnan ko si Ate Zenaya na nakaupo sa harap ng table ni Ma'am at si Ma'am naman ay nakaupo at matalim niya akong tinitigan.

"Ang tagal mo yata, Zaya?" nagtaas siya ng kilay. Tumikhim lang ako at umopo na rin sa harapan ni Ma'am.

Magkaharap kami ni Ate at masama ang titig niya sa akin.

"Pinatawag ko ang ate mo upang malaman niya at ng magulang mo na di ka nakinig sa klase ko at ang baba ng mga scores mo" tumango tango ako.

"Ma'am pasensya po talaga sa ginawa ng kapatid ko" sabi ni Ate.

"Natutulog yan sa klase ko, at tsaka nong tinanong ko na may naintindihan siya tumango naman at nong tinanong ko tungkol sa mga tinuro ko sabi niya di niya alam"

"Wag po kayong mag aalala Ma'am makakarating ito kay Mamay" at lumingon si Ate sa akin. Inirapan ko lang siya.

"Paki permahan nalang ito Zenaya" pinapirma niya si Ate sa log book niya."pwede kanang umalis hija pasensya na sa istorbo, alam kong marami kang ginawa, maiwan na mo na to ang kapatid mo dito may sasabihin lang ako" tumayo naman si Ate.

"Sige po Ma'am" bumaling siya sa akin."mag usap tayo mamaya Zaya" at tumalikod na siya at lumabas na ng office.

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now