Chapter 27

93 7 0
                                    


Kinabukasan...nagising ako sa sinag ng araw galing sa bintana. Agad akong bumangon. At tiningnan ang oras sa gilid ng aking kama. Alas syete y media na ng umaga. At naka uniporme pa ako.

Tiningnan ko ang kamay ko. Namamaga at namumula ito. Masakit siya pero binaliwala ko lang. Agad akong pumasok sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nag bihis ng panibagong uniporme at lumbas tsaka bumaba.

Nadatnan ko si Mom. Na malungkot na kumakain sa hapag mag-isa. Mukhang umalis na si Katey kaya mag-isa nalang siya.

"Morning Mom" sabi ko at humalik ako sa pisngi niya.

Malungkot niya akong tinitigan. At ngumuso.

"I'm sorry anak" nakanguso niyang sabi.

Ngumiti ako sa kanya. At hinalikan ang noo niya.

"Ako dapat ang magsasabi niyan Mom."

"It's ok let's forget about that... let's eat?" matamis niya akong nginitian.

Kaya umopo na ako. Nilagayan naman ni Mommy ng kanin at ulam ang plato ko. Kaya kinuha ko na ang kutsara at tinidor para simulan ng kainin.

"Oh ghad.." napatakip si Mom sa bibig niya."oh son... sinuntok mo na naman ang pader ng kwarto mo?"

Humahalakhak ako sa reaksyon ni Mom. Hinampas niya ang braso ko.

"Wag mo akong tawanan...gagamotin ko yan pagkatapos nating kumain"

Ginamot ni Mom ang sugat ko sa kamay. Pagkatapos naman ay hinatid na ako ni Manong sa eskwelahan.

Agad akong dumeritso sa gym para sa practice. Last practice na namin ngayon dahil moving up na namin bukas. At pagkatapos ay completion ball.

Pagdating ko doon. Ay na rinig ko ang music. Nagsisimula na talaga silang mag practice. Pero papasok na sana ako. Nang bigla kong nakita si Zaya na kakarating lang. Nakayukong naglakad papasok. Nang tumapat siya sa akin ay agad ko siyang hinigit. At napatingin siya sa akin.

Maluha-luha siyang tumingin sa akin.

"Kim nasasaktan ako.." nangingig niyang sabi.

Kaya ni luwagan ko ang pagkahawak sa braso niya. Hinatak ko siya palabas ng campus. Tinangoan ko lang ang guard at nakalabas na kami.

"Ouch, ang sakit na!" sigaw niya kaya binitiwan ko siya.

Nang makarating kami sa plaza. Babalik sana siya sa loob pero hinawakan ko naman ang braso niya. At tinitigan ko siya ng napakatalim.

"Upo ka sa tabi ko..." giit ko sa kanya.

Kaya umopo siya at nakakunot ang noong tinitigan ako at umiwas.

"Kim babalik na ako sa loob!" pasigaw niyang sabi.

"Mag-usap mo na tayo-"

"Ano ba dapat ang pag-usapan natin? Ang linaw nga eh na mahal mo yung Clyree na yon. Pls. Kim just let me be.....puro nalang pasakit ang sinukli mo sa akin....pls. wag mo na akong gulohin pls. parang awa mo na..." mangiyak-ngiyak niyang sabi sa akin.

"That's I'm here in front of you to apologize" deritsong sabi ko sa kanya.

Umiling siya na parang di makapaniwala. Sa sinabi ko.

"Tsssss....ano namang idadahilan mo aber?" tinaasan niya ako ng kilay.

"I know you're crying yesterday"

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now