Chapter 19

93 6 0
                                    

"Hoy may dalaw ba kayo? Ang init ng ulo niyo" pabiro kung tanong.

"Oo meron!" si Breah ang sumagot.

Magsasalita sana ako. Nang makita ko si Kim na tumatawa kasama ang mga kaibigan niya. Agad akong nag-iwas ng tingin ng nakita niya ako. Uminit naman yung pisngi ko. Lumingon ako sa mga kaibigan ko ay nag ngising aso na ang mga ito. At nakatutok kay Kim. Bumaling si Ellie sa akin at tinukso ako ng tingin.

"Kim!" tawag ni Breah kila Kim.

Shet alam ko na naman. Pasasamahin nila sila Kim my ghad.

"Sama kayo sa amin" dagdag niya.

Oh diba? Di ako nag kamali ng hula.

"O, sige" sagot ni Kim.

Kaya lumingon ako sa kanila. Papunta na sila sa amin ngayon at nag tilian na naman ang mga kaibigan ko at tinulak ako.

"Ano ba!" inis ko pang sabi sa kanila.

Agad naman na tumabi si Kim sa akin at naglakad na kami palabas ng eskwelahan. Tinukso parin nila ako at nauna na naman silang nag lakad kasama ang mga kaibigan ni Kim. Tahimik lang ako sa tabi niya. At di man lang siya nilingon dahil nahihiya ako.

Nang nasa tapat kami ng gate. At may tumawag sa kanya. Boses ng babae.

"Keus!" tawag nito.

Kaya napalingon kaming dalawa ni Kim. Lumingon si Kim sa akin at bumaling sa babae na tumawag sa kanya.

Nang makalapit ito ay agad na kumapit sa braso ni Kim. Nag-iwas ako ng tingin dahil kumirot yung dibdib ko.

"Clyree bitiwan mo ako" malamig na sabi ni Kim.

Kaya bumaling na ako sa babae. Tumingin naman ito sa akin at bumaling ulit kay Kim. Ngumiti naman ako. Nasan na ba sila? Sana sumabay nalang ako sa kanila dahil nasasaktan ako rito. Lumingon-lingon ako pero wala na sila. Kaya bumaling nalang ako sa babeng nag nga-ngalang Clyree.

Tumaas ang kilay nito. At ni head to foot niya pa ako. Pero nginitian ko lang siya pero di niya sinuklian. Tumingin ulit sa kay Kim at matamis na ngumiti.

"Where you going? Kanina pa kita hinanap sa classroom niyo" malambing nitong sabi.

"Ikaw bat ka nandito?" malamig na tanong ni Kim at nakatutuk kay Clyree.

"Para makasama ka" malambing nitong sagot.

Para akong nag-ugat sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi ng babae. Di ako makagalaw baka girlfriend niya ito. Pero di naman niya sinabi sa akin. Baka nilihim niya? oh my ghad kailangan ko ng umalis rito.

"Aalis na ako ha? Pupuntahan ko yung mga kaibigan ko" paalaam ko.

Maglalakad na sana ako pero hinawakan niya ang braso ko.

"Dito ka lang. Sabay na tayo" malamig niyang sabi at binitiwan ang braso ko.

"Kim who's that girl?" nandidiri nitong tanong.

"Girlfriend ko" agad na sagot ni Kim.

Nanlaki naman ang mata ko at tumingin ako sa kanya. Di siya lumingon sa akin. Nakatingin lang siya kay Clyree.

Tumingin si Clyree s akin at inirapan ako.

"What?! I heard she is so cheap and poor. Bakit siya? akala ko ba mahal mo pa ako Keus?!" galit na sambit nito. At matalim na tiningnan si Kim.

"Tapos na tayo Cly" malamig paring sagot ni Kim at matalim niya itong tiningnan.

"What?! I will tell Tita Di about this Keus. You can't do this to me!" maluha-luha nitong sabi. At tinalikuran kami.

Your Childish Girlfriendحيث تعيش القصص. اكتشف الآن