Chapter 5

194 10 0
                                    


Lumalim na ang gabi at umuwi na rin ang ibang bisita nila. Panay inuman parin namin. Madami-dami rin akong nainom at medyo lasing na ako ngayon. Nauna na ring umuwi sila Breah, Louisse, Careanne, Jiany, at Joanna dahil sinundo na sila.

Kami nalang ni Reigna, Daisy, Kim, Paul na kaibigan ni Kim, at ako. Umuwi na rin kasi si Javon dahil hinanap siya ng girlfriend niya. Panay inom ko parin ng alak ngayon. Si Daisy kasi at si Paul nag-uusap si Reigna naman ay nag cecellphone. Si Kim naman ay nakatulala lang.

"Bakit kaya ganon ang mga lalaki no? pakikiligin ka nong una tapos kung ma fall ka iiwan ka" wala sa sariling sabi ko at bumuntong hininga.

"Baka ikaw lang nagmahal sa kanya, kaya ka nagka ganyan" sagot ni Kim. Lumingon naman ako sa kanya.

"Tsssssss. kung ikaw ay sinabihan ng I love you di ka ba ma fa-fall?" kumonot noong sabi ko.

"Eh, bat ako ma fa-fall?"

"Kasi sinabihan ka ng I love you"

"Di lahat ng I love you, ay mahal ka na yung iba pinag titripan ka lang or I love you as a friend" at tumitig siya sa akin. Iniwas ko naman ang tingin ko at di ko na siya sinagot.

Ako nalang mag-isa ang umiinom dahil ayaw na nila. Magpapakalasing ako ngayon. Naubos ko ang isang bote ng alak at umaalon na ang paningin ko. Wala na rin ako sa aking sarili.

"Zaya, tama na yan ang lasing mo na oh, matulog kana. Daisy samahan mo kami" narinig kong sabi ni Reigna. Nakapikit na kasi ako ngayon dahil sa antok at lasing.

"Dito nalang siya matutulog. Sa guest room mo siya patulogin para di na kayo maglalakad pa papuntang bahay niyo Reigna" ani Kim.

"Alam ba ito ni Ate, Kim?" tanong ni Reigna.

"Oo siya nga ang nagsabi na dito nalang sila papatulogin dahil lasing na ang isang to" di ko alam kong tinuro niya ako dahil naka pikit ako ngayon.

Inalalayan ako ni Daisy at Reigna papunta sa guest room na sinabi ni Kim. Di ko namalayan na nakarating na kami. Inihiga nila ako.

"Reigna dito nalang rin ako, medyo inaantok na ako. Para may makasama naman si Zaya dito" narinig kong sabi ni Daisy.

"Feel at home lang kayo" boses ni Kim yung narinig ko.

Babangon sana ako pero di ko kaya. Kaya natulog nalang ako dahil sobrang antok ko na. Kinabukasan, nagising ako dahil sobrang likot ni Daisy. Iminulat ko ang mata ko at kinusot. Agad akong bumangon at napahawak sa ulo ko dahil sobrang sakit. Kinuha ko yung cellphone ko. Kung nag text ba si Mamay. Nag text nga.

Mamay: Anak, wag kang masyadong malikot jan baka makabasag ka at tsaka umuwi ka na rin. Miss ka na namain nak.

Ako: May, mamaya ho kakagising ko lang.

At ni lagay ko ang cellphone ko sa kama. Tiningnan ko si Daisy na ang himbing ng tulog. Tumayo ako, sheettt ang sakit ng ulo ko! Panay hawak ko nito. Lumabas ako ng guest room dahil nauuhaw ako. Pagkababa ko ng hagdan nakita ko ang Mommy ni Kim na nag ce-cellphone at nakaupo sa kanilang sala. Nag angat siya ng tingin sa akin.

"Oh, hija you're awake" tumayo siya at niyakap ako."nagluto akong ng agahan, come here!" inalalayan niya ako sa kanilang dining area."ako na po Yaya" sabi niya sa kanilang kasambahay."where is your friend hija?" tanong niya habang nilagyan ng pagkain ang pinggan ko.

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now