Chapter 33

79 4 0
                                    


"Sa tingin mo Zaya, tama yang ginawa mo sa kapwa mag-aaral mo?!" sigawng sabi ni Mamay sa harap ng pamilya ni Papay.

Nakauwi na rin kasi ako ngayon. Nang matapos kaming kumain ni Breah ay tumawag ng bigla si Mamay sa akin para pauuwiin ako. Wala talaga akong planong umuwi pero kumausap rin si Tita Levy sa akin na kapag di ako uuwi ay mas lalo niya raw akong ipapahiya.

Kaya labag man sa aking kalooban ay umuwi nalang ako s amin. At hinatid naman ako ng magulang ni Breah kasama siya.

"May I'm sorry...siya naman po talaga ang nauna" mangiyak-ngiyak kong sagot sa kanya.

Tumaas naman ang kilay ni Tita Levy na katabi ni Papay na nasa harapan ko naka upo. Samantala si Mamay naman ay nakatayo. At si Ate at Kuya ay nasa gilid ko pareho na nakaupo.

"Walang magawa yang sorry mo! Puro nalang pasakit sa ulo ang pinasok mong bata ka!" sigaw ni Tita sa akin.

Sinamaan naman ako ng tingin ni Mamay."Buti nalang at napakabait ng magulang ni Breah at tinulongan ka! Pano nalang kong hindi. Di ka parin nakikinig sa akin Zaya. Napakatigas talaga ng ulo mo!" umiiyak na sabi ni Mamay at napa upo sa kabilang sofa. Agad siyang dinaluhan ni Ate at hinagod ang likod.

Sobrang sakit ng dibdib ko ng makita ko si Mamay na umiiyak sa harapan ko.

Bigla namang tumayo si Tita Levy at binatukan ang ulo ko. Pinigilan naman siya ni Kuya pero hinawi niya ang kamay nito at agad akong sinampal ng napakalakas. Napatayo naman si Papay at pinigilan si Tita.

"Tigilan mo yan Ate!" sabay pigil ni Papay dahil pumiglas si Tita. Si Kuya naman ay humarang siya sa akin.

"Kapal ng mukha mo!" sigaw ni Tita."pagkakamali ka nga. Gumawa ka pa ng mali! Hindi mo inisip na tinrato ka ng maayos ng kapatid ko kahit na hindi ka naman niya anak dahil anak-" di natapos si Tita dahil sumigaw si Kuya. At napatayo naman si Mamay.

"Tama na!" sigaw ni Kuya na umalingaw-ngaw sa buong bahay.

Para akong nabingi sa narinig ko. At tumulo ang luha ko di lang dahil sa sakit kung di sa katotohanang nalaman ko. Na matagal kong pinaniwalaan na hindi totoo. Namanhid ang katawan ko at napatayo.

Magsasalita na sana ako ng biglang nag salita ulit si Tita.

"Totoo namang anak yang si Zaya sa labas ni Diana! Kaya ka natanggal sa trabaho sa pagka guro dahil jan sa batang yan! Salot yan sa mga buhay natin! Nong sinabi ko sayong ipalaglag mo para di kayo masira ay namahagi parin sa yang kagustohan mo na di mo ipalaglag yang batang yan....pinahiya mo ang pamilya namin Diana! At ito namang kapatid kong tanga. Ni luko na na nga binilhan pa kayo ng bahay para may matirhan. Aba pasalamat kat may maliit kang negosyo. Dahil kung wala gagapang kayo sa putik. Dahil kahit anong trabahong pasukan mo di ka makakapasok. Dahil kinalaban mo ako Diana!" sigaw ni Tita at hinihingal pa ito.

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now