Chapter 25

90 8 0
                                    


"Ok your partner is Javon Satera!" sabi ni Sir nakahawak sa mic.

Agad na lumapit si Javon sa akin at ngumiti. Ngumiti naman ako pabalik sa kanya. At tinago ang pait na nararamdaman ngayon.

Eh kasi bakit ba di kami ang magka pares? Hays buti pa yung kaklase ko ay kapares niya. Lumingon ako sa kanila. Nag-uusap ang dalawa. Ngumiwi naman ako at nakasimangot.

"Hoy" kalabit sa akin ni Javon."bat ka nakasimangot ha?" natatawa niyang sabi.

"Wala!" malakas na sabi ko at nag cross arm.

"Ayy sus ang sabihin mo, na si...Kim ang gusto mong makapares"

"Ha? di nu"

"Yiiieeee"

"Titigil ka? Or sasapakin kita?" iritado kong sabi sa kanya.

"O, eto na titigil na" tumatawa niyang sabi.

Sinimulan na namin ang pag practice para completion ball namin. Ilang araw na rin kasi kaming nag pa-practice para sa graduation march. Kaya ang prinactice namin ay sa completion ball namin.

Ilang araw ko na ring hindi kinausap si Mamay. Dahil galit pa ako sa kanya. Pero na realize ko na malapit na ang moving up namin. At naisipan ko na ring patawarin siya dahil Nanay ko parin siya kahit bali-baliktarin pa ang mundo. Mahal ko pa rin ang Mamay ko.

Narinig ko rin sa kanila na uuwi si Papay. Para mag escort kay Ate Zen. Dahil magkasabay kaming gagraduate. Kaya si Papay ang mag escort sa kanya. At sa akin si Mamay. Gusto ko sanang mag request na si Papay nalang ang sa akin. Pero ayaw ko namang agawin si Papay kay Ate kaya di nalang ako nag request.

Alas sais e'medya ako nakarating sa amin dahil sa practice naming sayaw para sa completion ball. Agad kung binuksan ang pintoan at laking gulat ko na nasa hapag na sila at may kasamang medyo may edad na lalaki. Ako lang ang kulang sa hapag. Lahat ng atensyon nila ay nasa sa akin.

"O, nandito kana pala anak." biglang sabi ni Mamay.

Nagulat naman ako. Dahil ngayon ko lang uli siyang narinig na tinawag akong anak.

"Akin na mo na yang bag mo" at kinuha niya ito at nilagay sa sofa."hali kana't kumain na tayo" anyaya niya sa akin.

Sumunod naman ako at umopo sa aking upoan. Sa hapag. Di ko matanggal ang tingin ko sa lalaki na nasa mid 40's na. Ngumisi si Mamay sa akin at nilagayan ako ng kanin sa aking plato.

Nilingon ko si Kuya at tinanong ko gamit ang mata ko. Pero ngiti lang ang iginawad niya sa akin. Lumingon naman ako kay Ate na nakatingin sa lalaki na may ngiti sa labi.

"Papay thank you so much. You came!" masayang sabi ni Ate.

Bigla akong nabingi sa sinabi ni Ate. At nanlaki ang mata ko. Hala si Papay talaga to? Oh my ghad. Ngayon ko lang talaga siya nakita ng personal. Nakita ko siya sa picture pero iba ang mukha niya noon kesa sa ngayon. Medyo bata pa kasi siya sa picture na yon. Pero ngayon medyo may wrinkles na sa kanyang mukha.

"Pay I'm so glad. You visit us" baritong sabi ni Kuya. At ngumiti .

Wala akong masabi. Tinitigan ko lang siya. Sa pagkabigla ko.

"Anything for you two" nakangising sabi niya. At nilingon si Kuya at Ate.

Ako lang ang hindi tinitigan niya. Umosbong naman ang lungkot ko at yumuko.

"Ahmm...kumain na mo na tayo" basag ni Mamay sa katahimikan.

Kaya sinimulan na naming kumain. Panay sulyap ko kay Papay pero di man lang niya ako sinulyapan. Kila Ate at Kuya lang ang atensyon niya. Si Mamay naman ay tahimik na kumakain sa gilid ko. Nasa harapan ko si Papay.

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now