Chapter 4

212 12 0
                                    

Paglingon ko sa gilid ko ay nakatayo na siya at yung kamay niya ay nasa upoan ko nakapatong.


"Kim, wag kang maniwala sa kanila joke lang nila iyon" nauutal kung sabi.


Matamis siyang ngumiti at inilapit niya ang mukha sa mukha ko. Nanigas naman ako sa pagkaupo. Anong gagawin niya? Sobrang kaba ko na ngayon. Pinagpawisan yung mga kamay ko shet.


"Yiiiiiiieeeeee" malakas na tukso nila.


Iniwas ko ang mukha ko pero lapit ng lapit ang mukha niya. Shetttt mag magic kayo lord yung tipon na mawawala ako bigla. Nakakahiya na kasi.


May kinuha siya sa gilid ng labi ko."May kanin sa gilid ng bibig mo, kinuha ko lang" at umayos siya pagkatayo at ang kamay ay pinasok sa magkabilang bulsa."puntahan ko na ang mga kaibigan ko" nakatulala parin ako ngayon. At dahan-dahang tumango. Tumalikod naman siya.


"Waaaa assuming ka kasi masyado hahahaha" natatawang biro ni Joanna.


"Para ka kasing bata kumain" singit naman ni Jiany na tumatawa.



"Tumahimik nga kayo ha? Ako pa talaga ang pagtitripan niyo?" inirapan ko silang lahat. At pinagpatuloy ang pag kain.



Panay isip ko sa nangyari kanina akala ko hahalikan niya ako. Sinapo ko ang noo ko at natulala. Ano ba yang iniisip mo Zaya? Assuming mo talaga. May gusto kaba kay Kim? sabi ko sarili ko. Nag ingay naman ang mga kaibigan ni Kim. Kaya lumingon ako sa kanila. Tiningnan ko siyang maigi na para bang may eni-examin sa mukha niya.



Nang bigla akong kinalabit ni Breah."Hoy itikom mo nga yang bibig mo, baka mapasokan yan ng insekto kakatingin mo kay KIM!" may diin ang huli niyang sinabi at tinukso nila ako.



"Yiiiiieeeeeeee" tukso nila lahat."Kim tawag ka daw ni Zaya, tabihan mo raw siya yiiiiieeeeee" ani Breah.



"Hoy wag mo akong damayin sa kalokohan mo Breah ah" pagbabanta ko.



"O, pano iyan Zaya maging pamangkin in-law na kita" tumawa ng tumawa si Reigna.



"Oo, nga tsaka mag Tita ka na rin ni Reigna yiiiiiieeeee" sabi naman ni Joanna.



"Eheeeemmm Kimtae" singit ni Louisse.



"Pag si Zaya magka lovelife, magbabago na talaga to. Pag si Kim ang maging boypren niya yiiiiieeeeee" tukso ni Careanne.



"Tigilan niyo ako ha?" duro ko sa kanila.



Tapos na silang kumain ako pa lang ang hindi dahil sa kakatukso nila sa amin ni Kim. Tapos na akong kumain at kinuha na ng kasambahay ang kinainan ko.



"Salamat po ate" sabi ko. Tumango lang yung kasambahay.



"Where's the alak Reigna?" tanong ni Breah.



"Teka kukuha lang ako ha?" paalam ni Reigna. Kaya kami nalang ang naiwan dito.



"Hoy alam mo Zaya si Kim nalang kaya. Tingnan mo ang bait oh tas ang gwapo pa" biglang sabi ni Louisse sa akin at tumabi. May pinag uusapan rin kasi sila Breah kaya kaming dalawa ni Louisse ang nag-uusap.



Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now