Chapter 58

61 4 0
                                    


Natapos na rin ang lahat ng paghihirap namin sa practice! At na champion kami! Sila Kim naman ay second runner up lang. Sobrang saya namin. Sigaw doon, sigaw dito. Champion naman sila Kim sa basketball. Napag-usapan nila na magpapa-party raw next week. Pero parang di ako maka punta dahil doon kami mag sembreak. Kila Lola dahil birthday niya. Kailangan nandon kami. Kaya nagpaalam akong di ako makapunta.

Sa oras na ito di kami gaanong nag-usap ni Kim. Magpaalam sana ako sa kanya na doon ko ibuhos ang sembreak ko kila Lola. Hinanap ko siya pero di ko talaga siya nakita. Nasaan na kaya ang isang yon? Panay libot ko sa campus. Di ko parin siya mahanap. Hanggang sa wakas nakita ko si Daisy. Kasama ang ibang kaklase nila. Pinuntahan ko si Daisy. Habang naglalakad sa hallway. Tumakbo ako.

"Daisy!" sigaw ko. Napatigil naman siya pati ang mga kaklase nila. Hinihingal pa akong humarap sa kanila."na-nakita ko mo ba si Kim? Kanina ko pa siya hinanap" naghabol hininga pa rin ako.

"Nako Zay! umuwi na siguro yon. Hinanap ko nga rin. At di ko nakita" sagot niya.

Bigo akong tumalikod sa kanila. Tiningnan ko ang cellphone ko. Di parin siya nag reply. Tinawagan ko naman ayaw sumagot! Bukas na kami aalis. Di ko siya nakita ngayon:(.

"Zaya, sabay nalang tayo uuwi!" nakangiting sabi ni Ellie. Nang makita ko sila.

"Oh sige ba!"

"Teka nasaan si Kim?" si Louisse.

"Hinanap ko nga eh. At di ko nakita" malungkot kong sagot.

"Aba!" agad na nag react si Ellie."di pwede yon nakita ko nga siyang kasama si-" agad na tinakpan ni Lou ang bibig ni Ellie.

Natigilan naman ako at kununot ang aking noo.

Tumawa si Lou sabay kamot sa kanyang ulo."Ano Zay, alis na tayo!" at hinigit nila akong dalawa.

"Teka nga! Sino ba kasi ang kasama niya Ellie?!" napataas ang boses ko dahil naiinis na ako.

"Wala yon Zay. Nakita ko si Careanne kanina kasama si Vincel sumakay ng bus" pagdadahilan pa ni Ellie at namutla.

"Di ako naniwala!" umirap ako."tara na, bahala na siya sa buhay niya!" at nanuna akong naglakad. Papuntang parking lot.

Nang makarating kaming tatlo. Ay nakatayo pa kami upang hintayin ang driver nila Louisse. Kay Louisse kami sasabay ngayon. Panah daldalan nila pero wala akong gana sumali. Dahil naiinis ako. Kaya di niya sinagot ang tawag niya dahil may kasama siyang iba.

Kinalabit ako ni Louisse.

"Zay!" pabulong niyang sabi."di ba kay Kim yung sasakyan na paparating dito?"

Napalingon ako. Oo nga kay Kim nga iyon. Pero di ako kumibo. Huminto lang ito at umikot siya upang mabuksan ang pintoan niya sa kabila.

"Ooowww may kasamang iba!" sabi ni Ellie at napatakip sa kaniyang bibig.

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now