Chapter 12

96 8 0
                                    

Habang papalapit siya parang bumagal ang pag-ikot ng mundo. Tas hinipan pa ng hangin ang buhok ko. Napakatamis niyang ngumiti habang kasama niya ang kanyang mga kaibigan. Gusto kong tumalon sa kilig. Nang nasa tapat ko na siya.

"Hi Kim" kumaway ako at -ngumiti.

Ngumiti rin siya pabalik."Uy hey Zaya, bakit ikaw lang?" tanong niya. Napakagat naman ako sa pang-ibabang labi ko dahil sa kilig.

"Ah sila nasa classroom pa hinintay ko dito" nag pa cute² naman ako heheheh. Chance mo na ito Zaya.

"Eheeeeemmm ano yan Zaya eheeeemmm" bigla namang sumulpot ang tropa ko at nag ingay.

Bumaling naman kami ni Kim sa kanila. Nagtutulakan at nag tilian ang mga abnormal.

"Kim alam mo bang crush ka niyang si Zaya" biglang sabi ni Breah.

Nanlaki naman ang mata ko at tiningnan ko si Kim na ngumiti sa akin.

"Ahh wag kang maniwala kay Breah, Kim abnormal yan. Ahh sige makaalis kana" sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko shet.

"Ok" tiningnan niya ang kaibigan niya na tinutukso kami."let's go" tinukso parin nila kami at umalis na si Kim kasama ng mga kaibigan niya.

"Hmmm ang tamis ng ngiti ah" sabi ni Louisse.

"Tumahimik nga kayo. Tara na nga" sabi ko habang naka ngiti parin.

Habang naglalakad kami. Panay isip ko kay Kim ang gwapo niya talaga at ang desente. Wala ka ng hahanapin sa kanya dahil sobrang gwapo niya. At mabait, teka mabait ba yon? ayyy bahala na nga basta gusto ko siya. Iba siya sa mga crush ko. Siya ang pinaka crush ko sa lahat. Napawi ang ngiti ko ng maalala ko si William na minsan ay naging ka fling² ko.

Tiningnan ko ang mga kaibigan ko na nag-uusap. At ibinalik ko ang mata ko sa daanan. Sana makalimotan ko talaga siya. Dahil si Kim na ang laman ng puso't isip ko. Heheheheh ano paki niyo ba? di joke lang hahahha. Parang nasa kanya na ang lahat. Sana maging kami kyaaaaaa.

Di ko namalayan na nasa canteen na pala kami. Bigla akong kinalabit ni Ellie.

"What's yours Zay, lilibre kita" biglang sabi niya.

Natigilan naman ako at napatitig sa kanya. Siya naman ay nagpa cute at tinaas-taas ang kilay.

"Ahm are you sure?" tumatawang sabi ko.

"Sure nga ano nga ang sayo?"

"Kahit ano. Kung ano ang sayo yon din ang sa akin" ngumisi siya at tumango. At nag order na ng aming makain.

Wala naman akong ginawa kaya naghanap ako ng bakanteng lamesa at umopo. At nag hintay sa kanila. Lumingon ako sa gilid ko dahil parang ako yung pinag-uusapan nila.

"Yak ano ba yan, ang gusot ng uniform" malakas na sabi nong mapanglait na babae.

"Oo nga bagay naman sa kanya dahil sa squater lang sila nakatira at tsaka ang baho doon. Sanay na siya sa mga dumi" sabi naman ng isa niyang kaibigan.

Panay bulong-bulongan nila. Kaya tumayo ako at nag cross arm sa harapan nila. At tinaasan ko ng kilay.

"Excuse me?" mataray kong sabi."anong sabi mo? yak ako? Hah! di mo alam na mas yak yang pagmumukha mo dahil mas gusot pa sa uniform ko yang mukha mo. Pasalamat ka't mayaman ka dahil pwede pa yang ipagawa ang mukha mong gusot. Eh pakialam niyo ba na sa squater kami nakatira? di ko nga kayo pinapakialaman ang mukha niyong parang tae yuck!" maarte kong sabi at bumalik sa lamesa na aking inuupoan.

Di ko namalayan na nakaupo na pala ang mga kaibigan ko. At pinalakpakan ako.

"Tumigil nga kayo" nahihiya kong sabi dahil. Lahat ng mata ay nasa sa amin na.

"Nice ka girl. Dapat lumaban ka ang ganda mo tas lalaitin ka lang" masayang sabi ni Breah. At nag appear pa kami.

"Hahahaha oh itong sayo. Palaaway kayka" ani Ellie at binigay niya yung nilibre niya.

"Salamat Ellie hahahaha ana lang gud"

Tumatawa kami at nag kwentohan habang kumakain. Panay usapan nila sa nong inaway ako. Yung mga kalohan na ginawa ko sa kanila. Di daw nila malilimotan iyon. Umabot naman ang usapan kay Kim at kinilig naman ako. Nang biglang nagsalita si Reigna. At ikinalulungkot ko iyon.

"Zay, wag kang malungkot ha?" tanong ni Reigna sa akin at napawi ang ngiti ko.

"Bakit ano yon?"

"May girlfriend na kasi si Kim. Nasa ibang eskwelahan nag-aaral" malungkot na sabi ni Reigna at tumahimik ang lahat.

Binagsak ko naman ang balikat ko."Ano ba kayo crush ko lang siya ok" tumawa pa ako.

"Hindi ka ok Zay" sabi ni Daisy.

"Hindi ok lang ako" at tumayo.

Biglang dumaan sila Kim sa harapan namin. At ngumuti, nginitian ko naman pabalik at naupo ulit.

"Ang daming boys Zay wag kang humabol doon" ani Jiany.

"Ako hahabol? ano ako aso? para habulin siya? Sa ganda kong to ang mga lalaki ang maghahabol sa akin" nag joke pa ako at tumawa sila.

Sa tawanan at kwentohan namin. Ay ang lungkot naman ng puso ko. Parang tinutusok iyon. Lahat nalang ba ng lalaki ay di ako kayang mahalin? di naman ako pangit ah? bakit di nila ako magugustohan. Masama ba akong tao? masama ba akong anak? kaibigan? para ito ang kaparusahan ko?. Lahat nalang ng taong minahal ko ay may mahal ng iba.

Minsan naiinggit ako sa mga kaibigan ko dahil may boypren sila. Ako lang talaga ang wala pa. Di ako seseryusohin at hindi liligawan. Fling² lang talaga. Hayyysss bat ba ako nagka ganito? Lalaki lang yon baka may nakalaan para sa akin. Pero sa tingin ko ako lang ang tao sa mundo. Na walang nagkakagusto sa akin. Napakasakit kaya non. Dahil ba to sa ugali kong childish. Kaya na to-turn off sila? eh kung mahal nila ako dapat tanggap nila ako ng buong-buo diba?.


Pagkatapos naming kumain ay nag kwentohan mo na kami. At nang mag time na ay bumalik kami sa room at nag klase na. Di ako maka fucos dahil panay isip ko kay Kim. Pinukpok ko pa ang ulo ko para di ko siya ma-isip.

"Miss Delfino are you ok?" tawag ng guro sa akin.

"Ahm yes ma'am I'm ok"


Kahit ang totoo naman ay hindi ok. Sobra akong nasaktan dahil doon. Parang tanga lang nu? Hahahahha. Di ko siya boypren pero nasaktan ako. Tao lang naman tayo na masasaktan diba? amp.


Natapos ang discussion at uwian na ay nanatili parin akong tahimik. Di naman ako tinanong ng mga kaibigan ko dahil alam nilang nasaktan ako dahil doon. Nag si uwian narin sila at ako naman ay nag hintay ni Ate Zenaya rito sa gate. At agad rin siyang dumating at sumakay na kami. Sa gitna naman ng byahe ay tahimik ako. Tinanong niya naman ako. Kung ok ba ako. At ang sinagot ko naman ay ok lang kahit hindi.


Pagdating namin sa bahay ay nandon na rin si Kuya at Mamay. Nagmano ako kay Mamay at yumakap kay Kuya. Pagkatapos ay pumasok na ako ng kwarto. Inilapag ko ang bag. Nagbihis ng pangbahay at humiga sa kama. Gusto kong umiyak pero walang luha ang lalabas sa mga mata ko. Biglang pumasok si Ate at tiningnan ako.


"Oh anong problema?" seryuso niyang tanong.


"Wala" tipid kong sagot at ngumiwi.


"Ok, lumabas ka rito dahil kakain na tayo mamaya. Ako ang mag luluto" proud niyang sabi. At pagkatapos niyang mag bihis ay lumabas siya.


Tumawa naman ako dahil kumanta pa siya. Pero agad naman itong napawi dahil inaaalala ko naman si Kim at William. Kailan ba ako magka boyfriend? hayyyysss.

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now