Chapter 18

100 9 0
                                    


He's with me right now. Para akong kiniliti sa presinsya niya. Ang layo na rin ng mga kaibigan namin. Parang pinag planohan nila ito para makapag-usap kaming dalawa. Gusto kong sumigaw dahil sa kilig at kiliti na naramdaman ko ngayon. I think I'm his girlfriend. Hahaha I don't know what to say. Parang ang saya ko dahil lang sa kanya. Dahil magkasama kami ngayon. The way he treat me a while ago. Parang nanibago lang ako. Di naman siya ganto dati. Ang cold niya kasama pero ngayon. Sobrang sweet niya na.

What if? oh my ghad baka ito na ang answer sa mga prayers ko shet. I'm so happy right now. Sana aamin na siya sa akin. Biglang uminit ang pisngi ko at napatalon ako sa tuwa. Nang lumingon ako sa kanya nakakunot ang noo niyang pinanood ako. Nag-iwas agad ako ng tingin sa hiya.

Humalakhak siya."Anong nangyari sayo?" tanong niya.

"Ahhh...wala masaya lang ako" matamis ko siyang nginitian at nilagay ko ang kamay sa likod.

"Sana ako yung dahilan kung bakit ka masaya ngayon"

Napalingon ako sa kanya. Hinawakan niya bridge ng ilong niya. At nagpipigil ngumiti.

"Ha?....ha?" nauutal kong sabi. At kumurapkorap.

Napahinto rin kami sa paglalakad ngayon. At nagkatinginan kami.

"Wala!" at nag-iwas ng tingin at nag lakad at sumunod naman ako.

Di ko matago ang ngiti ko. Habang naglakad kami ay panay ngiti ko. Ano kaya ang ibig niyang sabihin my ghad! kaya nang makarating kami sa eskwelahan ay agad kaming nag paalam sa isa't-isa.

Pagkapasok ko sa classroom namin. Ay nadatnan ko ang mga kaibigan ko na nakaupo.

"Waaaa I can't believe it!" sigaw ko at tumalon-talon.

Humagalpak ng tawa si Breah."Oh kung di dahil sa akin. Di kayo makapag-usap" at tinaas ang kilay.

"Thank you so much Bre" niyakap ko siya at sabay kaming tumalon-talon.

"Ako talaga ang kinilig sa inyo Zay" sabi ni Joanna na kakaupo lang.

"Oo nga for sure. Magkamabutihan kayo" kinikilig pang sabi ni Careanne.

Kumalas ako sa pagyakap namin ni Breah. At sinamaan ko sila ng tingin.

"Di kayo sumama!" giit ko at padabog na umopo.

"Zay maintindihan mo talaga pag nagka boyfriend kana. Di mo pwedeng iiwan lang ang boyfriend mo para sumama sa mga kaibigan mo" paliwag ni Joanna.

"Oo nga Zay intindihin mo kami ni Joanna" dagdag ni Careanne.

"Hays ewan ko sa inyo!" at nag cross arm ako."parati nalang ganito eh"

"Zay hayaan mo na sila" sabat ni Daisy sa usapan.

Kaya tumahimik ako. Ayaw ko rin kasing masira ang mood ko dahil lang sa kanila. Pero nakakainis rin kasi eh.

Dumaan ang isang buwan ay malapit na ang final exam namin. Kaya todo review namin ngayon. Nag co-comunicate naman kami ni Kim through facebook pero mas gusto ko talaga pag sa personal. Wala kaming label. Mukhang fling² lang o ako lang ang nagtatawag na fling ko siya. Ewan ko ba minsan yung convo kasi namin ay puro jokes minsan. Sweet² naman di ko rin maintindihan na fa-fall na ba siya sa akin. Or guni-guni ko lang iyon.

Hays ewan ko ba. Ang mahalaga ay close kami. That's it. Pero minsan. Di ko rin maiwasang isipin kung ano ba talaga kami. Minsan umaabot ako sa puntong tanungin ko kaya siya pero di ko magawa baka masaktan lang ako. Kaya kinikimkim ko nalang. Masaya naman siyang ka chat at kasama. Pero mas gusto ko yung may label kami. Syempre mahal na mahal ko iyon eh. Kailan pa kaya siya man ligaw at magtapat sa akin? Or baka kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin. Pinukpok ko yung ulo. Zaya stop it ang mahalaga close kayo ok.

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now