Chapter 2

289 14 0
                                    

Ng dumaan kami sa harapan ng kapitbahay naming mga chismosa ay nag bulong-bulongan naman. Tsssss mga chismosa walang ibang magawa. Biglang hinawakan ni Ate ang braso ko.


"Wag kang makinig sa kanila" bulong niya.


"Di naman talaga ako makinig sa mga pinagsasabi nila, teacher ko ngang nagtuturo di ko pinakinggan, eh sila pa kayang puro chismis ang mga pinagsasabi" malakas na sabi ko. At tiningnan sila, sinamaan lang nila ako ng tingin.


Agad naman kaming tumalikod ni Ate. Hirap talaga pag squater kayo nakatira. And daming mga chismosa. Di ko alam kong bakit dito kami nakatira. Eh na afford nga namin ang paaralan na inaralan namin ni Ate, Kuya at Ako. Na sobrang mahal, bahay pa kaya?


Nang nasa pintoan na kami ng bahay. Ay nanginig naman ako dahil sa sasabihin ni Mamay sa akin. Nang buksan na ni Ate ay pumasok na kami. Tumambad sa amin si Mamay na naka upo sa sofa, nanood ng TV.


"Mano po May" sabi ni Ate at nag mano.


Pagkatapos ni Ate ay mag mano sana ako ng binawi niya ang kamay niya.


"Wala ka nalang bang ibang ginagawa Zaya? puro nalang ba sakit sa ulo? pinaaral kita sa mamahaling eskwelahan tapos yan ang igaganti mo sa akin? Nasaan ang hiya mo? kumayod ako para mabigyan kayo ng magandang kinabukasan!" sabi ni Mamay at tumayo.


"May, sige ano pa ng gusto niyong sabihin, na ano bobo ako? Di ako katulad ni Ate at Kuya? Pasensya na May pero ganito ako eh, bobo, tanga, tamad, nakakapagod mag aral May kung alam niyo lang" nanginginig ang boses ko pagkasabi non.


"At sumasagot ka pa ha?!" sigaw niya. Si Ate naman ay nasa gilid niya nanood sa amin."wala ka talagang galang sa akin!" akma niya akong sasampalin pero pinigilan siya ni Ate.


"May wag naman po ganyan" tumingin si Mamay kay ate at binalik niya ang tingin sa akin.


"May alam niyo May pagod na pagod na akong makaranig ng panlalait galing sa inyo pagod na ako!" sigaw ko at agad ko silang tinalikoran at padabog na sinara ang pintoan sa kwarto.


Padabog akong umopo sa kama at ibinalibag ang bag ko. Bwesit! puta edi kayo na magaling wala akong paki. Sabi ko sa sarili ko. Humiga ako sa kama ko at in-on ang cellphone ko at nag facebook. Kahit di pa ako nakabihis. Panay scroll ko at share ng mga memes.


Hays namiss ko si William. Bumuntong hininga ako at tiningnan kong online siya. Online nga siya pero di man lang siya nag chat sa akin? May girlfriend na nga Zaya di ba? Landi mo rin ano? Sabi ko sa sarili ko. Di ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising ako dahil sa sobrang lakas ng tugtog sa cellphone ni ate.



"Ano ba yan, ang ingay masyado" hinampas ko ang higaan niya. Double deck kasi to ang higaan namin. Ako ang nasa baba si Ate naman ang sa taas.



Tumayo ako at tiningnan ang sinuot ko. Naka uniporme pa ako. Nang chi-neck ko naman ang cellphone ko. Lowbatt na ito, di ko man lang na off ang data. Humikab ako at nilingon si Ate na nagbabasa ng libro.



"Nasaan si Mamay?" tanong ko sa kanya.



"San pa, edi nasa karenderya nagtitinda" masungit na sabi niya."tulongan mo nga si Mamay doon, alam mo sobrang tamad mo at tsaka ang tagal mo pang gumising" sermon niya.



Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now