Chapter 44

71 5 0
                                    


Buhat parin niya ako. At ngayon ko lang rin napansin na malayo talaga ang tinakbuhan naming dalawa. Nakakahiya talaga, ilang minuto na niya akong buhat.

Tahimik lang kamong dalawa. Parang may malalim siyang iniisip. At huminga siya ng malalim. Mukhang may problema siya.

"May problema ka lab?" tanong ko.

"Ahhh wala" tipid niyang sagot.

Kaya tumahimik ako. Hanggang sa nakarating kami. Yung mga kaibigan ko nagtilian at nagtulakan dahil may lovelife na rin ako sa wakas. Nag inuman ang sila. Gusto kong uminom pero ayaw akong payagan ni Kim. Nakaupo lang siya at naglalaro ng ML kasama si Jemson.

Nakaupo ako sa tapat niya na nakatitig. Nang bigla akong hinogit ni Breah palayo sa kanila.

"Aray Breah! Dahan² naman alam mo namang buntis ka...ikaw talagang babae ka!" sermon ko sa kanya.

"Ikaw ha? ang landi mo!" tawa niya.

"Shempre ikaw nagturo eh"

Binatukan niya ako."Swerte mo, di kita sasaktan dahil buntis ka!"

"Hahaha peace" nag peace sign pa siya.

Natahimik si Breah at napatingin sa dagat. Niyaya niya akong umopo sa buhangin. Kaya umopo rin ako. Baka mapano pa siya pag tinanggihan ko. Alam niyo naman buntis tong kaibigan kong bungangera. Oo bungangera parin siya kahit buntis. Pero ok na rin yon. Nakakatuwa kasi para siya masiyahing buntis na kambing hahahha. Shhhh wag niyo sabuhin ha? Baka mahampas ako non hahaha.

Nakatuktok lang talaga siya. At bumuntong hininga. Di pa rin siya nagsasalita. Kaya tumahimik na rin ako. Milagro tong babaeng to di nagsalita. Pagkasama ko walang ni isang segundo hindi yan mag-iingay. Pero ngayon medyo nanibago lang ako. Dahil ba to sa pagbubuntis niya? Ang sabi kasi ng iba pag buntis ka. Iba-iba ang mood mo. Baka ito na nga sintomas nito.

Huminga ulit siya ng malalim. Kaya napatingin na naman ako ulit sa kanya.

Suminghot siya."Alam mo Zay, ang laki ng pagsisi ko..." nanginginig yung boses niya.

"Breah naman, nakakasama yan sa bata. At tsaka blessings yan...dapat magpasalamat!" sabi ko.

"Di ko lang kasi matanggap" huminto siya at inalis ang luha sa pisngi."na nag-aaway sila ang pamilya ko dahil sa akin. Si Lola parang nandidiri sa akin pag nakita niya ako....walang kaso si Lolo dahil tanggap niya pero si Lola at yung mga Tita ko. Parang di na ako part ng pamilya..." mahina siyang humikbi.

Lumapit naman ako sa kanya. At hinagod ang likod. Niyakap niya ako at mahinang umiiyak.

"Breah sa umpisa lang yan...matatanggap rin nila iyan" ani ko. Habang yakap parin siya.

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now