Chapter 88

55 3 0
                                    


"Thank you Breah, I love you!"

Sabi ko sa kanya. Habang hinihintay si Kuya na dumating. Tapos na rin siyang namili. At nakabili na rin siya ng gift para kay Kim.

"I love you, always remember I'm always here."

Para na akong maiiyak. Kahit ma bunganga to si Breah. At kung ano ano ang pinagsasabi. Mahal ko to eh. Siya talaga ang mas mahal ko sa mga kaibigan ko. Dahil nandyan siya kapag nangangailangan ako. Kahit minura pa ako nito. Pinagsisigawan pero mahal na mahak ako nito. Napakaswerte ko na naging kaibigan ko siya.

Agad akong napayakap na sa kanya. At tumulo ang aking luha. Pinunasan naman niya ito gamit ang daliri niya.

"Di ko alam ang gagawin ko. Kung wala ka sa tabi ko." ngumuso ako.

"Sus drama mo!" natatawa rin siya kahit may nagbabadyang luha sa kanyang mata."wag mo nga akong paiyakin!" hinampas niya ako.

Hinampas ko rin siya. Kaya naghampasan kami rito. Baliw na talaga kaming dalawa hays. Pero natigil ang hampasan namin. Nang bumusina na si Kuya sa harapan namin.

Nagtawanan na mo na kami. At sumakay na. May sasakyan na si Kuya ngayon. Dahil graduation gift ito ni Lola sa kanya. Kaya minsan hinahatid niya kami sa school. Kapag hindi siya nagmamadali.

Nang makarating kami sa bahay. Nasan sala si Mamay. Habang ang Yaya naman ay nasa gilid niya buhat si Bree habang nanood sila ng TV.

"Good evening Mamay!" sigaw ko at humalik sa kanyang pisngi.

Napangiwi naman siya. Dahil sa boses ko. Si Breah naman at Kuya. Ay kinuha ang kanilang anak sa Yaya. Nagpaalam naman ito na uuwi na dahil kapitbahay lang namin siya.

Sinamaan niya ako ng tingin. Tumabi ako kay Mamay, niyakap siya at hinakikan sa pisngi.

"Problema mo May?"

"Wala akong susuotin sa birthday ng boyfriend mo bukas!"sigaw niya sa mukha ko.

"Andami mong dress jan May. Beside nandito naman kami ni Breah!" nilingon si Breah at kumindat.

"Oo nga Mama!" ipinasa niya si Bree. Kay kuya at umopo sa kabilang sofa."we are here naman. So kami na ang bahala sayo." excited pang sabi ni Breah.

"Ayoko sanang pumunta eh! Pero dumaan si Kim rito. At inabot sa akin ang invitation!" nag kamot ng ulo si Mamay.

Natawa naman kami.

"Papuntahin ka talaga ni Kim, May." si Kuya na natatawa.

"Ayoko sana eh, pero nakakahiya naman. Sinabi pala ng Mommy niya!" bumuntong hininga siya."so I buy a gift for him."

"Don't worry Ma. Papagandahin ka namin. I'll transform you into a gorgeous lady! At magmukha ka ng social!" pumalakpak pa si Breah.

"Uy uy! Wag nalang ok na yung simple. Hija at tsaka di naman bagay"

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now