Chapter 8

145 8 0
                                    

Monday ngayon at eto nandito kami sa classroom namin. Hinintay ang math teacher namin. Kakatapos lang kasi ng breaktime namin. Kaya nakaupo na kami lahat ngayon.

"You know guys, wala raw ang teacher natin sa math. Ang magtuturo sa atin ngayon ay ang estudyante niya sa section Amethyst" sabi ni Daisy.

Naalala ko naman na section amethyst si Kim. Pero magaling ba yon sa math ang mokong? ay bat ko ba siya inisip.

"Oowww, here they are" sabi naman ni Breah.

Kaya napatingin ako sa may pintoan. At nakita ko si Kim at si Javon at kambal ni Javon na si Javen. May dalang libro. Biglang bumagal ang kilos ng lahat tila huminto yung oras. Napakurap akong tumingin sa kanya dahil sa ganda ng ngiti niya. Nakapanibago ang ngiti niya at sobrang gwapo niya.

Bigla akong kinalabit ng katabi ko na si Lowi.

"Hoy, babati tayo"

Napatalon naman ako sa bigla at napatayo agad.

"Good afternoon" sabi naming lahat at nagsi upoan na.

Nanatili parin akong nakatayo at naka tingin kay Kim.

"Zaya, baka gusto mo ng umopo" sarkastikong ani Kim.

Na bigla naman ako at nanlaki ang mata ko. At umopo agad. Uminit ang pisngi ko dahil sa hiya. Nagtawanan naman sila Breah at iba naming kaklase. Bat ba ako nag kakaganito dahil sa kanya.

Agad naman siyang nag turo. Tutok na tutok ako sa kanya ngayon. Yung tipong ako lang ang tinutoroan niya. At ang ganda ng ngiti niya. Ang labi niyang pula at ang nunal niya sa bibig sobrang attractive. Lahat sa kanya sobrang attractive.

"Hoy baka tutulo ang laway mo kakatingin kay Kim" kalabit na naman ni Lowi sa akin at tumawa.

Bumalik naman ako sa ulirat. Di ko namalayan na nakanganga pala ako. Lumingon-lingon ako sa mga kaklase ko. Lahat sila ay naka tingin sa akin at tumawa. Tumingin naman ako kay Kim tumawa rin siya at mga kasama niya.

"Miss Delfino focus, ok?" uminit naman ang pisngi ko sa pagka sabi niyang iyon.

Waaaaa nakakahiya ka Zaya. Bat ka ba nag kakaganyan? may gusto ka ba kay Kim ha? yumuko ako sa hiya.

"Ayyyiiiiiieeee siguradong crush ka niyan Kim" sigaw ni Ellie bigla.

Napatingin naman ako sa kanya at pinanlakihan ko siya ng mata. Pero tumawa lang siya shet.

"Ssshhhh, we are here para turoan kayo" seryusong sabi ni Kim.

Natahimik naman ang lahat. Sungit pala nito pag dating sa klase. Pagkatapos niyang magturo ay may pina-solve siya. At umalis na rin nang natapos naming sagotan. Padabog akong tumayo at pinuntahan ang mga kaibigan ko.



"Reigna alam mo yung pamangkin mo? Ubod ng kasungitan nakakainis" ginulo ko yung buhok ko.



"Nasa klase kasi tayo. At tsaka inutosan lang sila" si Joanna yung sumagot.




"Eh bat ka nagagalit?" tuksong sabi ni Breah sa akin at may pataas-taas ng kilay.




Di pa nga ako nakasagot ay nag salita naman si Daisy.




Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now