Prologue

833 19 2
                                    

I'm in our classroom looking at my teacher while discussing. Wala akong naintindihan kahit ni isa man lang. Dahil sa antok ko pero pinigilan ko. Inaalala ko nalang yung nangyari kagabi sa ka fling² ko. Naiiyak na naman ako dahil doon.

~FLASHBACK~

Nasa kwarto ako ngayon. Naglalaro ng laptop dahil ni-log in ko ang facebook ko. Panay tingin ko sa mga my day ng mga friends ko sa facebook. May nakita ako sa my day isang cute na lalaki na ka edad ko lang. Moreno siya, chinito, makapal ang kilay, at ang cute ngumiti. Kinilig naman ako at di sinadyang mapindot ko ang (haha) reaction.

"Oh my god!" sabi ko sa sarili ko at napatakip sa bibig ko.

Bigla naman niya akong ni replyan.

William: Hahahah

Luh patay di ko sinadyang mapandot pano ito? William James Hernandez ang pangalan niya sa fb.

Ako: Hehehe I'm so sorry, napindot ko lang kasi.

Pagdadhilan ko at sabay kagat sa koko. At nag hintay ng kanyang reply.

Siya: No it's ok, taga san ka nga pala?

Ako: Taga Cebu, heheh ikaw?

Siya: Same:) san ka nag aaral?

Ano siya CI? napangiwi naman ako dahil sa sobrang dami niyang tanong. Pero may part na kinilig dahil gwapo siya kyyaaaaaa.

Ako: St. Catherine, eh ikaw?

Siya: Christian Accademy:)

So ayon lumpas ang isang linggo naming pag chachat at gusto na niyang makipag kita. Syempre gusto rin iyon. Sa sobrang bait ng tadhana kapitbahay pala siya sa isang bestfriend kung si Daisy.

"So anong plano mo?" tanong niya.

"Syempre makipag kita kyaaaaaa!" tumalon talon ako.

Nasa classroom kasi kami ngayon at walang teacher kaya nag chika chika mo na kami.

"Porket sinabi ko sayong mabait iyon na fall kana agad?" binatukan niya ako.

Binatukan ko rin siya.

"Eh kasi marupok to eh" bulaslas naman ni Breah at binatukan ako.

Nag batukan kaming lahat para kaming tanga at nagtawanan.

"Aray tigilan niyo nga iyan masakit na ah" sabi ni Reigna at sinamaan kami ng tingin.

"Hoy kung inaway ka ng boypren mo wag mo kaming damayin Reigna" pasigaw kung sabi na may halong biro.

Padabog naman siyang umopo at ni laro yung cellphone niya. Lumapit naman si Jiany sa kanya at nag cellphone na rin.

"Wag kasi kayong mag boypren gayahin niyo ako, fling² lang masaya na!" at nag flip ako ng hair.

"Hayaan niyo na si Reigna, alam niyo namang menopausal baby yan eh kaya intindi rin naman" tumatawang sabi ni Louisse.

Your Childish GirlfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora