Chapter 5 : Where am I

18.8K 280 24
                                    

I dedicate this chapter to CrimCee18...

hihi sana magustuhan mo..enjoy reading ..labs labs labs

 +++++++++

= OTHERWORLD =


“Abicus Morinicus!”

Napatayo ako bigla dahil may kung ano nalang bumagsak mula sa akin habang ako ay naka semi higa

Malagkit siya parang sipon na may halong glue

Tumingin ako sa nagsabi ng spell


“Sorry pare! Mali ang nabanggit ko” ilang taon na siya nagaaral ng wizard spell pero hindi parin niya makuha at makabisado ang mga napapagaralan niya  


“Lintik naman Montblanc! huwag ka nga dito magsanay! Ano use ng Aswan”

Ang Aswan ay isang parte ng bahay, doon naiisagawa ang pagsasanay para sa mga spell na kailangan nilang matutunan

Humingi nga siya ng paumanhin pero halatang gusto niya ang nangyari sa akin

Ilang sandali nagkamot siya ng ulo, halata sa mukha niya na pilit niyang inaalala kung ano ang tamang spell

Makaalis na nga dito baka kung ano pa magawa ko sa lalaking ito

 “Pare! Saan ka pupunta?”  

Hindi ko siya pinansin, nagpatuloy lang ako maglakad palabas ng bahay


“Oy! Clyde! Sorry na! Saan ka pupunta! Sasama ako!”  Kahit kailan napakakulit niya, hindi ko nga matandaan kung pano kami naging magkaibigan


“Huwag na huwag kang susunod! Malilintikan ka sa akin!” naiirita ako sa katawan ko sobrang lagkit hindi ako makakilos ng maayos


=====

 

ALICE P.O.V

Cough! Cough! Cough!

Bleh! Puwe! Puwe! Hindi ko akalain na makakainom ako ng tubig galing inidoro Puwe!

Kinusot ko ng ilang beses ang mga mata ko, hindi kasi ako makapaniwala sa akin nakikita

Nasa isa akong mapunong lugar, sa gilid ko may isang lawa at may mga butterfly na umiikot sa lawa

Nasaan ako? Paano ako nakarating sa lugar na ito, lahat bang nafaflash ng inidorong yun napupunta dito

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon