Chapter 26 : Telepathy

14.2K 159 21
                                    

ALICE P.O.V.

Ibinaba kami ni Grego sa mismong Metru Nui. Buti nalang! Kung hindi, dadaan na naman kami sa pader. 


“Salamat sayo Grego” pasasalamat ni Clyde sa kanya.


“Basta ikaw Clyde, pero huwag mo na uulitin yun kay Alice. Kahit ako pinakaba mo sa parusang ginawa mo sa kanya.” Tinignan ko si Clyde at sabay belat sa kanya.


“Tsh! kapag ginalit na naman niya ako hindi ako magdadalawang isip gawin ulit sa kanya yon.” Ang salbahe niya talaga!! “Balikan mo kami dito makalipas ang tatlong oras.”


“Osige.” Ipinagaspas muli ni Grego ang kanyang pakpak at lumipad palayo.

Ngayon. Kaming dalawa nalang. Bakit ganun? Medyo nahihiya na akong sumama kay Clyde hindi katulad noon dahil siguro alam ko na may pagtingin siya sa akin.


“Halika na.”


“A-ah… o-ou” taranta kong sinabi. Nauna akong maglakad sa kanya pero napahinto ako ng tinawag niya ako.


“Alice… alam mo ba kung saan ka maguumpisa?” napaisip ako sa sinabi niya. Ou nga saan ba dapat magumpisa para makahanap ng impormasyon tungkol sa prinsesang itinakda? Sa laki ng Metru Nui kulang ang tatlong oras para libutin ito.


“S-saan nga ba?” tanong ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin. “Dapat dito ka muna maguumpisa” hinawakan niya ang aking kamay pagitan ng kanyang mga daliri, itinaas niya ito para ipakita sa akin, ngumiti siya at saka niya ako hinila at nagpatuloy maglakad.

Siguradong pulang pula na ang mukha ko sa ginawa ni Clyde.

======

Huminto kami sa isang mini store na puro inumin ang tinitinda. Nagtaka ako kung bakit huminto kami dito. Nakita ko si Clyde bumibili sa mga nakahilerang inumin. “Oh…” napatingin ako sa binibigay niyang kulay purple at umuusok na inumin.


“A-ano yan Clyde?” sabay turo ko sa inumin.


“Pati ba naman ito hindi mo alam? Ang tawag dito ay Inumin.”


“Syempre alam kong inumin ang tawag diyan. Ang tanong ko ano ang klaseng inumin yan? Bakit parang may bumubula? Lalasunin mo ba ako? Ayoko nga inumin yan.”

Ngumisi si Clyde “Nakakatawa ka talaga Alice. Bakit naman kita lalasunin? Isa itong juice galing sa ibat’t ibang prutas kaya naging kulay purple. Kaya naman ito bumubula at umuusok may ginawa silang spell para mainganyo ang mga mamamili.” Mainganyo? Eeh! Itsura palang hindi ko na kayang inumin.

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon