Chapter 12 : Omegas

15.7K 191 8
                                    

 Enjoy reading..

+++++++

ALICE P.O.V.

Ang bilis maglakad ni Clyde, hindi ko siya maabutan

Para na nga ako nagpapatintero sa mga nakakasalubong ko, nakita ko na malapit na kami sa pader na pinasukan namin kanina

Lalo ko pang binilisan ang lakad ko para abutan yung walang hiyang kasama ko, ano ba publema nun! Dapat nga ako yung mainis dahil napahiya ako kanina

Napansin kong derederetso siya papuntang pader at sa tingin ko wala siyang balak na hintayin ako kaya tumakbo ako para abutan siya   

Malapit ko na siyang mahawakan kaya lang

Bugs!

Nauntog ako sa pader Argh! hinimas ko yung noo ko, nakakainis!!! “HOY! Clyde! Walang hiya ka talaga!” hinapas hampas at tinadyakan ko yung pader

Kung may kapangyarihan lang ako gagawin ko siyang palaka!!

Tumalikod ako sa pader at nagcross arm

Nakita kong nakatingin sa akin yung mga ibang nilalang na namimili, kinilabutan agad ako at humarap ulit sa pader

Naku naman, ayoko na sa lugar na ‘to!     

Biglang may lumabas na kamay sa pader, hinawakan ako sa braso at hinila

Pakiramdam ko nagkapalit yung small at large intestine ko, gusto kong sumuka


“Ano nangyari sa noo mo!?” hinawakan ko yung noo ko

Hala! May bukol! Ikaw may kasalanan nito!


“Nauntog lang naman ako sa pader! Kasi hinahabol kita, ano ba nangyayari sayo! alam mo naman na hindi ako nakakatagos sa pader tapos iniwan mo ko!!” tumaas ang kilay niya

Aish!!..yun lang ang reaksyon mo! taasan ako ng kilay!

Naghalungkat siya sa kanyang bitbit, naglabas siya na parang isang cocoon, piniga niya ito at naglabas naman ito na kulay puting likido

Ilalagay niya ito sa noo ko pero pinigilan ko siya “Teka! Ano ba yan? Kadiri”


“huwag ka nang maarte gamot ito, sa kaengotan mo nagkabukol ka” mabilis niyang ipinahid yung gamot sa noo ko

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon