Chapter 19 : Hurts

14.8K 175 13
                                    

Pasensya na late UD ako, paputol putol ko itong ginawa

busy kasi masyado dahil padating na ang new year

Dahil New Year na…

 NEW na din ang love team ni Alice …

Hindi na si Clyde… nakakainis kasi siya !!! ahahaha!!! J  Enjoy Reading!!

HAPPY NEW YEAR!!!

++++++

ALICE P.O.V

kalimutan mo na ang nangyari ngayong gabi

kalimutan mo na ang nangyari ngayong gabi

 

kalimutan mo na ang nangyari ngayong gabi

 

Aaaaaaah!!! AYOKO NA!!! OO! pilit ko ngang kanalilimutan ang nangyari sa atin kagabi!!

Pero hindi ko talaga makalimutan, alam ba niyang napakahirap ng pinapagawa niya!! Ayoko na, parang sasabog na ang utak ko, hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa sinabi niya at sa…

Napahawak ako sa labi ko, Halik ba ang tawag dun? Dumampi lang naman ang labi namin sa isa’t isa, wala pa atang tatlong segundo ang halik na yun

Tok! Tok! Tok!

“Alice, ayos ka na ba? ngayon na ang oras para pumunta sa Hari at Reyna ng Nokama” binuksan ko ang pinto


“Tara na…” malamyang sabi ko sa kanila


“Ayos ka lang ba? may sakit ka ba?” – Montblanc


“ou nga Alice!! Masama ba pakiramdam mo?” -- Sha

Ngumiti ako sa kanila “Wala… hindi lang ako nakatulog ng maayos”


“Naninibago ka ba sa tinulugan mo?---” inakbayan ako ni Montblanc at saka tinignan ang aking mata, hindi ko siya pinapansin habang pinipindot niya yung ilalim ng mata ko “--- naku.. naku.. haharap ka sa Hari at Reyna ng Nokama na ganyan itsura mo?”  pinisil niya yung dalawang pisngi ko at itinaas niya ito na parang nakangiti ako “--- ayan mas maganda”


“Momont! Wag mo nga pagtripan mukha ni Alice baka kung ano magawa mo diyan, isa ka pa namang dakilang kapalpakan sa mahika” saway ni Sha sa kanya


“Grabe ka makapanglait Kuya Sha!!! Gawin kitang palaka diyan, Tara na nga Alice, iwan na natin si Sha diyan” isinabay ako ni Montblanc sa paglakad habang siya ay nakaakbay sa akin


“Sandali lang!! Hindi ka naman mabiro Momont!!!”

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon