Chapter 20 : Dark Cave

14.4K 184 18
                                    

Maraming Salamat talaga sa inyong suporta!!

i'm so happy!!! Sana subaybayan niyo story ko hanggang sa huli,

marami pa akong pasabog sa story na ito, ahahaha Sana sa mga pasabog na yun magustuhan niyo ^__^V ahahaha kahit ako naeexcite sa story na ito ahahaha

Enjoy reading!!!

+++++

ALICE P.O.V.

Ang dilim sa kweba, wala akong makita kahit isang sinag ng ilaw, hindi ko namalayan na napabitaw ako kay Montblanc


“M-montblanc nasan ka na… huwag kang lumayo takot ako sa dilim” dahan dahan akong naglalakad at kinakapa ang paligid


“Sandali lang Alice, hinahanap ko wand ko, nakalimutan ko kung saan ko nalagay” Tsh! Kahit kelan talaga siya


“Momont, bilisan mo, kahit ako natatakot sa dilim, wala ba yon sa bulsa mo?” naririnig ko sila Sha at Montblanc, kaya sinusundan ko ang mga boses nila


“Don’t move Alice, mababangga ka” boses yun ni Clyde, sinunod ko naman sinabi niya

Narinig ko naman si Prince Azera na nagbanggit ng spell “LAMPROS!” unting-unti ko nakakita ang liwanag galing sa kanyang wand pero hindi pa yon sapat para mailawan kaming lahat

Pagtingin ko sa aking harapan mayroong bato hanggang bewang ko, tama ang sinabi ni Clyde kung dumeretso pa ako ng konti mababangga na ako sa bato, pano niya nalaman yon?


“Nakuha ko na” galak ni Montblanc


“Ano pa hinihintay mo, Momont? Paliwanagin mo na ang wand mo”


“ou eto na..atat! ka Sha---” nagconcentrate si Montblanc at nagbanggit ng spell “--- LAMPROZS!” lumiliwanag na ang kanyang wand pero parang naging lusis ito, supot na lusis

Napahampas ng noo si Sha “Momont… nakakahiya”

“Heh! At least sinubukan ko… uulitin ko ulit… LA---”

Tinakpan ni Sha ang bibig ni Montblanc “Huwag nalang baka kung ano pa mangyari, tignan mo nalang sa bag mo kung may nadala kang light ball”


“Tama ka Sha---” binukasan niya ang shoulder bag pero bago siya maghalungkat tumingin siya kay Prince Azera “--- A-amm… Puwede po bang ilawan niyo po ako Third Prince”


“Ah.. sige---” lumapit naman siya dito

Naglabas ng tatlong maliit na bolang crystal si Montblanc sa kanyang bag, nang inalog niya ang isang crystal nagliwanag ito, ang galing! parang ito ang nagmistulang flash light niya “Kumuha kana ng light ball, Alice” light ball pala ang tawag nila doon

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon